Showbiz News

Lovi Poe at boyfriend na si Montgomery Blencowe, malapit na bang magpakasal?

By Aaron Brennt Eusebio

Balik-trabaho na ang Kapuso actress na si Lovi Poe matapos magbakasyon sa Los Angeles, California kasama ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe.

Sa press conference ng kanyang pelikula na 'Hindi Tayo Pwede,' inamin ni Lovi na wala pa silang balak magpakasal pero nakikita niya si Montgomery bilang "husband material."

Kasama ni Lovi ang Kapamilya actors na sina Marco Gumabao at Tony Labrusca sa 'Hindi Tayo Pwede' na mapapanood sa mga sinehan simula March 4.

“He's showing me and his actions speak nothing but beautiful things,” saad ni Lovi.

Dagdag niya, hindi importante sa kanilang relasyon kung saan sila magse-celebrate ng Valentine's at iba pang okasyon basta't magkasama silang dalawa.

“Ang na-realize namin noong Christmas at New Year's, since long-distance 'yung relationship, hindi naman importante kung saan kayo magse-celebrate, ang importante magkasama kayo,” ani Lovi.

Bukod sa 'Hindi Tayo Pwede,' may isa pang pelikula si Lovi na may pamagat na 'Latay' kasama ang aktor na si Allen Dizon.

Kabilang ang 'Latay' sa Sinag Manila Film Festival na mapapanuod sa susunod na buwan.

IN PHOTOS: Celebrities in long-distance relationship