Showbiz News

Sheena Halili, lubos ang pasasalamat sa kanyang showbiz friends na dumalo sa kasal nila ni Jeron Manzanero

By Aaron Brennt Eusebio

Thankful ang Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang showbiz friends na dumalo sa kanyang kasal kay Jeron Manzanero noong Linggo, February 23.

Kabilang sa mga dumalo sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera, magkasintahang Dennis Trillo and Jennylyn Mercado, Chariz Solomon, Camille Prats, at Nova Villa.

“Masayang masaya kami, talagang nagbigay sila ng time, nagbigay sila ng effort lalo na 'yung mga bridesmaid ko,” saad ni Sheena.

Ninang naman nina Sheena at Jeron sina Love of My Life actress Coney Reyes at GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable.

Saad ni Coney, excited na siyang makakita ng little Sheena at little Jeron.

“I wish them the best, I'm praying for them, sana maging super happy sila. Inaabangan na namin ngayon pa lang ang maliliit na Sheena at maliliit na Jeron,” hiling ni Coney.

Panoorin ang nangyari sa kasal nina Sheena at Jeron sa video na ito: