GMA Logo winwyn marquez happily single
What's Hot

Winwyn Marquez, happily single pa rin!

By Cara Emmeline Garcia
Published April 14, 2020 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PRO-11, gipaniguro nga walay hulga sa seguridad | One Mindanao
Lisensiya ng driver ng pick-up truck na nambatok sa nagkakariton, binawi na ng LTO
Farm To Table: Magpapasko na, food explorers!

Article Inside Page


Showbiz News

winwyn marquez happily single


"'Do you like anyone now?' Yup,” sagot ni Winwyn Marquez nang tanungin tungkol sa lovelife niya. Alamin kung sino ang tinutukoy ng aktres:

Mahigit isang taon pagkatapos mabalita ang hiwalayang Winwyn Marquez at Mark Herras noong Pebrero 2019, masayang ibinahagi ni Winwyn na happily single pa rin siya hanggang ngayon.

Isinaad ito ng Kapuso beauty queen-actress sa kanyang Twitter account matapos may magtanong sa kanya kung single pa ba siya.

Kuwento ni Winwyn, “Kaganapan sa lockdown. So, someone texted me: 'Are you still single?' Yes. 'Are you happy?' Yep. 'Do you like anyone now?' Yup.”

Nang tanungin siya ng texter kung sino ito, sagot ng aktres: “Kim Namjoon, Kim Seokjin, Min Yoongi, Jung Hoseok, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook, BTS.”

Ang mga pangalang inisa-isa niya ang mga miyembro ng Korean boy group na BTS kung saan isang big fan si Winwyn.

Kaya naman ang payo niya sa mga future suitors niya, “To summarize what happened: BTS saved me from wasting my time.

"So, alam niyo na guys ah. Tip ko na sa inyo yan. Hahaha!”

Noong February 14 unang naiulat ang hiwalayang Winwyn at Mark nang magsalita ang una sa press conference ng pelikula niyang Time & Again.

Aniya noon, “Yeah, I'm single right now. Naghiwalay kami nang maayos. It was a mutual decision.

“Siguro now, we're doing our own things. I'm doing my own work, he's doing his own work, so yeah.

“Siguro naisip n'yo, 'Bakit?' Okey kami. We're both okay. Naghiwalay kami nang maayos and it was a mutual decision.

“Walang away, walang third party. My god, parang awa n'yo na, hindi yun ang talagang reason.”

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, inamin ni Winwyn na malakas ang naging impluwensya sa kanya ng K-pop boy group para mag-move on sa kanyang ex.

Sambit niya, “To be honest, walang echos, it helped me.

“It diverted my attention to that. Hindi ko masyadong naisip yung break-up so it really helped me through a tough time.

“And nagulat din ako na totoo pala siya. Kasi, nababasa ko na ito 'yung effect nila to other people. So for me, na-experience ko din siya.

“It's like I don't want them to be my boyfriend but I want them to be my best friend.”

Winwyn Marquez shares hilarious video starring dad Joey Marquez

LOOK: Hottest photos of 'Reina' Winwyn Marquez