Showbiz News

EXCLUSIVE: Boyfriend ni Glaiza de Castro na si David Rainey, aprubado na ba ng mga magulang ng aktres?

By Cherry Sun

Mahigit isang buwan nang kasama ni Glaiza de Castro and kanyang mga magulang at nobyong si David Rainey sa Baler.

Pag-amin ng aktres, may opinyon na raw ang kanyang mga magulang tungkol sa kanyang Irish boyfriend.

Silang apat ang magkakasamang naipit sa Baler sa pagsisimula ng Luzon-wide enhanced community quarantine noong Marso.

Ngayon ang pinakamatagal na panahong nakapiling ni Glaiza ang kanyang nobyo. Ito rin ang pinakamatagal na panahong nagsama sa iisang lugar si David at mga magulang ng aktres.

Pag-amin ni Glaiza sa exclusive interview ng GMANetwork.com, noon ay may pag-aalangan daw ang kanyang magulang tungkol sa kanilang relasyon.

Aniya, “Honestly, noong unang punta niya dito, 'yung parents ko medyo hesitant kasi nga taga-ibang ano siya, taga-ibang bansa, 'yung ganun.

"Ang dami nilang concerns talaga pero very persistent naman si David and especially ngayon, ngayong time na 'to na araw-araw kaming magkakasama, nakikita mo talaga kung gaano siya ka-consistent din na tao at kung gaano siya kasipag.

"So 'yun 'yung napapansin ng parents ko sa kanya, na masipag talaga siyang tao.”

Ngayong stranded sila sa Baler, nagkaroon sila ng oportunidad para mas lalong makilala ang isa't isa.

Ang pinakanapansin daw ni Glaiza kay David ay ang pagiging positibo nito at husay sa pakikisama.

Paliwanag ni Glaiza, “Kunwari ako, meron akong problema, parang meron siyang solusyon kaagad. Very optimistic siyang tao.

"Actually, mas dapat nga siyang mabahala kasi ang layo-layo niya 'di ba sa pamilya niya, sa parents niya pero siya 'yung talagang mas nagko-comfort. Napakamaasikasuhin niyang tao.

"It makes me proud kapag naririnig ko from my parents or doon sa neighbor namin na magaling siyang makisama.

"So, nakaka-proud 'yun para sa akin na kahit na hindi siya taga-dito or iba 'yung kultura niya, napaparamdam niya sa parents ko most especially 'yung concern niya hindi lang [para] sa akin kundi sa mga tao rin sa paligid ko.”

Dahil dito, masaya ring naamin ni Glaiza na talagang magkasundo ang kanyang nobyo at pamilya.

“May approval naman,” nangingiti niyang pahayag.

Bahagi rin niya, napapag-usapan na rin nila ni David ang kanilang future ngunit mas nais nilang tutukan muna ang kung ano ang meron sila ngayon.

Wika niya, “Sa future plans, siyempre napapag-usapan namin 'yun pero mas gusto naming mag-focus sa kung ano ba meron kami ngayon. Since we're given this time together, ine-enjoy lang naming.

“As critical as it may sound pero siyempre pagkatapos nito, hindi naming alam kung ano na magiging plano.

"Kung ako ba 'yung pupunta doon, kung siya ba 'yung pupunta dito. 'Yung mga ganung pag-uusap. Ayaw naming magmadali, kumbaga mag-jump sa napakalayong sitwasyon pa.

"So, ayun muna 'yung kailangan naming ayusin, kung paano 'yung set-up naming after nito.”

Diin din ng aktres, “Mas nakilala siya ngayon ng parents ko, mas nakilala niya parents ko, so 'yun ang mas importante.”

Panoorin:

IN PHOTOS: Glaiza De Castro and David Rainey's cutest photos

WATCH: Glaiza de Castro and BF David Rainey sing an original duet for frontliners

IN PHOTOS: Celebrity couples enjoy quarantine period together