Showbiz News

Barbie Forteza at Jak Roberto, naglaro ng 'Who's More Likely To' para sa kanilang 3rd anniversary

By Felix Ilaya

Kamakailan lang ay nag-celebrate ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza ng kanilang 3rd anniversary.

Para sa latest YouTube video ni Jak, nagkita sila ni Barbie online at naglaro ng "Who's More Likely To" challenge.

Isa sa mga topics na napag-usapan nila sa kanilang video ay tungkol sa kasal at kinuwento ni Barbie na gusto niya na raw mag-settle at age 28.

Pinagtalunan din nilang dalawa kung sino raw sa kanilang ang mas madalas mag-sorry.

Panoorin ang nakakatuwa at nakakakilig na video nina Barbie at Jak sa kanilang video below:

Barbie Forteza portrays the fierce Waray, Ginalyn, on Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.