Showbiz News

Ken Chan at Sanya Lopez, na-fall sa isa't isa?

By Dianara Alegre

Marami sa mga tinitingalang stars ngayon ang nagsimula sa variety show na Walang Tulugan With Master Showman, na pinangunahan ng yumaong iconic Filipino artist na si German Moreno o Kuya Germs.

Kabilang d'yan sina Kapuso stars Ken Chan at Sanya Lopez, na may inamin tungkol sa isa't isa sa online reunion nila kamakailan.

Napuno ng katuwaan at pagbabalik-tanaw ang katatapos lamang na online reunion ng cast ng Walang Tulugan With Master Showman at isa sa mga pinakamalaking rebelasyon ang pag-amin nina Ken Chan at Sanya Lopez, na minsan umano silang nagkagusto sa isa't isa.

“Pero 'yung crush ko po, inamin ko po kay Ken Chan 'yun, e. Sobrang approachable kasi ni Ken Chan,” pag-amin ni Sanya.

Nagulat naman si Sanya nang sabihin ni Ken na nakuha rin ng aktres ang atensyon ng aktor habang magkasama sila sa Walang Tulugan With Master Showman.

“Kung ako po tatanungin, kay Sanya rin po ako unang napukaw noon,” sabi naman ni Ken.

WATCH: Sanya Lopez open to having a romantic relationship this 2020

EXCLUSIVE: Sanya Lopez reveals who she's dating, answers other controversial questions


Siyempre pa, hindi nila nakaligtaan ang pag-alala sa kanilang tinaguriang tatay sa showbiz.

“Si Kuya Germs naman po talaga naka-discover sa 'kin 'tsaka kay Sanya, so excited kami na balikan 'yung mga ginagawa natin dati sa hosting, 'yung mga struggling days namin,” lahad ni Jak Roberto na isa rin sa mga naging artist ni Kuya Germs.

Ayon naman kay Ken Chan, sa naturang show talaga nahasa ang kanyang skill sa hosting.

“Papagalitan kami ni Kuya Germs, ni Tatay, 'pag nagkamali. Sinasanay kasi kami talaga ni Kuya Germs na hindi nababasa. Kailangan saulo namin 'yung mga spiels namin,” dagdag pa niya.

Ken Chan believes prayer is the most effective shield against COVID-19

Ken Chan says pets are part of his sources of joy amid quarantine

Sanya Lopez featured as one of the top TikTok creators in fashion magazine


Samantala, hiling naman nina Jak at Ken na sana ay magkaroon silang cast ng show ng physical reunion kapag tuluyan nang nasugpo ang COVID-19 sa bansa.

Panoorin ang buong 24 Oras report: