What's Hot

Kris Bernal-Perry Choi wedding, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

By Dianara Alegre
Published August 28, 2020 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal perrry choi wedding


Habang hindi pa abala sa pagpaplano ng wedding nila ng fiancé niyang si Perry Choi, tinutututukan muna ngayon ni Kris Bernal ang kanyang mga negosyo at pagbabalik-trabaho.

Nakatakda sanang ikasal si Kapuso actress Kris Bernal sa fiancé niyang si Perry Choi sa kalagitnaan ng 2021, ngunit ibinahagi ng una na napagkasunduan nilang sa pagtatapos ng nasabing taon na lamang ganapin ang kanilang pag-iisang-dibdib.

“From May 2021, mamo-move siya to end of 2021,” anang aktres sa panayam ng 24 Oras.

Kris Bernal at Perry Choi

Kris Bernal at Perry Choi / Source: krisbernal (IG)

Samantala, balik-trabaho na rin si Kris at sumabak na sa unang acting gig niya matapos ang limang buwang quarantine.

Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang si Kris, kasama ang aktor na si Ahron Villena.

Aniya, nasabik umano siyang magtrabaho kahit na may pangamba pa rin dahil sa banta ng COVID-19.

“Ang tagal kong hindi nagte-taping. Na-excite din ako at natakot, pero alam ko naman na GMA will take care of us and they also the safety measures and protocols.

"Feel ko naman wala namang magiging problema,” dagdag pa niya.

Gayundin, ipinahayag ni Ahron na bagamat nasabik siyang magtrabaho muli, nanibago rin siya sa takbo ng taping sa ilalim ng “new normal.”

“Na-miss ko rin naman. At the same time, parang nangangapa na naman ako ng bago kasi first taping ko ulit ito,” anang aktor.

Kris Bernal at Aaron Villena

Kris Bernal at Aaron Villena

Para sa bagong episode ng Wish Ko Lang, gaganap na mag-asawa sina Kris at Aaron.

“Binubugbog ako ng asawa ko and then I met another man who takes care of me and talagang mahal ako.

"'Tapos may trahedyang nangyari. Nandu'n na 'yung drama,” paglalarawan ni Kris.

Dahil ilang buwang nabakante sa trabaho at sa bigat ng mga eksena, inamin ng aktres na kinailangan niyang ikondisyon muli ang sarili nang magampanan niya nang wasto ang karakter.

“Ang tagal kong hindi umiyak para sa eksena. Para akong nag-a-acting workshop ngayon,” aniya.

Sa mga nakalipas na ilang buwan quarantine, pinagtuunan ng panahon ni Kris ang kanyang mga negosyo, pag-aaral online, paggawa ng content para sa kanyang YouTube channel, at pagpapanatili ng kanyang healthy lifestyle.