Showbiz News

Gladys Guevarra, tinakbuhan ng pera ng dating partner

By Cherry Sun

Hindi napigilang humagulgol ni Gladys Guevarra nang mag-live sa kanyang Facebook page.

Kinailangan kasing i-anunsyo ng actress-comedienne ang kanyang hinaharap na problema kaugnay ng kanyang negosyo matapos makipaghiwalay sa kanyang non-showbiz partner na si Leon Sumagui.

Matagal nang nasa food business si Gladys at ngayong may COVID-19 pandemic, nagsimula na rin siyang magbenta ng puto, palitaw, at iba pang mga kakanin.

Ngunit nitong September 1, kinailangan niyang kanselahin ang mga natanggap na order dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Kinabukasan, September 2, nag-live si Gladys sa Facebook upang magbigay ng paliwanag na may kauganayan sa kanyang relasyon.

Ayon sa comedy actress, personal bank accounts at GCash account daw ni Leon ang kanyang gamit sa negosyo dahil wala siyang online access sa nag-iisa niyang bank account.

Ngunit hindi raw niya inaasahang lolokohin siya nito.

Aniya, “Pumayag ako out of trust, out of good faith dahil nga partner ko siya at karelasyon ko siya.

"Ito pong hindi inaasahang kadahilanan ay medyo hindi kami nagkaroon ng magandang pag-uusap from last night, hindi kami nagkaunawaan, hindi kami nagkaintindihan.

"Dumating po kami sa puntong, okay, fine, hiwalay na po kami today. Wala na po kami today.

"But as I've said buong maghapon today, 'yun po ang inasikaso ko, 'yung maibalik ang pera because, sabi ko, sa tagal ko sa industriyang ito, never po ako nagkaroon ng problemang tungkol sa pera.

"Never pong nasira ang pangalan ko tungkol sa pera at ito po 'yung kinakasama ng loob ko ngayon.

May ilang halaga man siyang nabawi, may pera pa ring natangay si Leon.

Patuloy ni Gladys, “Some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag.”

Ipinasilip din niya ang kanyang magulong opisina sa bahay. Binura at sinira raw ni Leon ang records ng kanyang business transactions sa computer.

Wika niya, “Pasensya po, pasensya na talaga kayo. Ayaw kong mangyari 'to kasi inaalagaan ko 'tong page na 'to.

"Marami na rin ako naging kaibigan dito. Nakita niyo 'yung ginawa pati sa computer room, dinown niya 'yung system. Nandun lahat nung bank details and everything.

"Ito lang ang hawak ko, 'yung print. Hawak ko 'yung ibang pera. Ititigl ko muna 'yung luto, ibabalik ko lahat 'to sa inyo.”

Pag-amin ni Gladys, iba ang sakit na kanyang nararamdaman hindi dahil sa nawalan siya ng pera ngunit dahil ang lalaking minahal niya ang nanloko sa kanya.

Na-engage sina Gladys at Leon noong November 2019. ()

Mensahe niya sa kanyang dating partner, “Hindi ako naiiyak Leon kasi nawala ka. Wala kang kuwentang tao. Wala kang kuwentang tao, Leon.

"Bawat kibot sa 'yo pera.Kung ito hindi nagma-matter sa 'yo, ang tingin mo dito negosyo lang, passion sa akin 'to kasi pagluluto 'to.

"Grabe 'tong ginawa mo sa akin, Leon, grabe.”

Sa pagpapatuloy ng kanyang Facebook live ay nakatanggap din siya ng mga mensaheng may ibang babae na si Leon.

Panoorin ang kanyang buong video rito:

Posted by Gladys Chuchay Guevarra on Wednesday, September 2, 2020