Showbiz News

Barbie Forteza at Jak Roberto, nasubukan ang relasyon dahil sa COVID-19

By Bianca Geli

Tampok sa maraming "couple challenges" online ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto, isa na rito ang "Jojowain o Totropahin" challenge kung saan mas nakilala nila ang isa't isa.

Aminado si Jak na medyo nagselos siya sa bawat sagot ni Barbie ng "Jojowain."

"Alam mo 'yung pakiramdam na kapag sasagutin ka ng jojowain, parang mapapaatras ka."

Si Barbie naman, confident pa rin sa kaniyang status bilang girlfriend ni Jak.

"Ako baliktad. In fairness, kapag may sinasabi siyang 'jojowain,' 'yung thought bubble ko, 'subukan mo'."

Ngunit naging makatotohanan ang mga pagsubok sa kanilang relasyon dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Kuwento ni Barbie sa Brigada, kahit matagal silang hindi nagkita ni Jak dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ), bumawi naman sila sa paguusap online at sa ganitong paraan na rin nilang ipinagdiwang ang kanilang third anniversary noong Mayo.

"Doon ko talaga na-realize na seryoso kami sa isa't isa kasi talagang um-effort din naman kaming dalawa para mag-work 'yung relationship namin," saad ni Barbie.

Naging maparaan din si Jak sa panliligaw kay Barbie at inunang suyuin ang mga magulang nito.

Aniya, "Ka-close ko na si tito noong 'Meant To Be,' hindi niya [Barbie] alam. Tapos si tita hindi niya alam na magka-chat na kami sa IG about pets," kuwento ni Jak.

"Bago pa niya ako ligawan, buo sa isip niya na 'yung relasyon hindi lang within sa aming dalawa. Package deal talaga 'yung family ko, which is tama kasi 'yun talaga ang gusto ko. Hindi 'yung kami lang ang magkarelasyon, dapat close rin siya sa family ko," sabi ni Barbie.

Panoorin:



RELATED CONTENT:

Did Jak Roberto and Barbie Forteza break up?