Showbiz News

EXCLUSIVE: Andrea Torres, komportable bang tumira sa iisang bahay kasama ang mga magulang ni Derek Ramsay?

By Cherry Sun

Nilinaw ni Andrea Torres sa exclusive interview ng GMANetwork.com na hindi pa sila nagsasama sa iisang bahay ng kanyang nobyong si Derek Ramsay. Inamin din ng Kapuso actress ang kanyang mararamdaman kung sakaling ikasal na sila at tumira sa ilalim ng iisang bubong kasama ang mga magulang ng aktor.

Naging maugong ang usap-usapang magka-live-in na sina Andrea at Derek dahil sa kanilang ginawang house tour. Pinabulaanan naman ito ng aktres at sinabing nais muna niyang ikasal silang dalawa bago sila tuluyang magsama.

Paliwanag ni Andrea, “Actually nagulat kami kasi nakapaka-spotaneous nung vlog na 'yun. Hindi kami nag-prepare talaga. Parang naisipan lang namin that time mismo na gumawa ng house tour. So kaya kung makikita niyo may mga part po doon na hindi pa tapos, may sampayan pa, ganyan. So hindi namin naisip na ganun 'yung magiging impression pero sabi ko ng bilang girlfriend, siyempre natutuwa ako na sinasabi ni Derek na it's our house, na sinama niya ako doon sa proseso ng pag-build ng house, pagpili nung mga laman ng house.

“Pero 'yun, hindi po kami magkasama sa iisang bahay. And I know it works for other people and respect that pero personally kasi gusto ko talaga, ikasal muna kami bago kami magsama. So 'yun talaga, 'yun ang gusto ko talaga mangyari with us.”

Dugtong din ni Andrea napapag-usapan na rin nila ni Derek ang pagpapakasal.

Wika niya, “We definitely talk about it pero 'yun nga, 'yung details or ano, pagdating na lang natin doon sa moment na 'yun. But definitely, isa 'yun sa sa mga goal namin bilang couple.”

Mapapanood sa ginawa nilang house tour na nagpagawa rin ng isa pang kwarto si Derek para sa kanyang mga magulang. Maging komportable kaya si Andrea kung titira siya kasama ang mga magulang ng kanyang nobyo?

Pag-amin niya, “Actually kino-convince talaga namin sila na ngayon palang lumipat na doon sa bahay ni Derek pero ayaw pa kasi nila umalis doon sa place nila ngayon kasi marami rin talagang memories doon kasi doon din lumaki sila Derek. Pero, ako gustong-gusto kong kasama at kausap 'yung parents niya and I'm very grateful na parang second parents na 'yung dating nila sa akin. Kung gaano ako ka-open sa magulang ko, ganun din ako ka-open sa mga magulang ni Derek.”

Panoorin ang kabuuan ng exclusive interview ni Andrea sa video sa itaas.

MUST-WATCH: Timeline of Andrea Torres & Derek Ramsay's Relationship