Showbiz News

Tanya Garcia, sa dating on-screen partner na si Dingdong Dantes, 'Magiging crush mo rin, e.'

By Aedrianne Acar

Lumabas ang pagiging showbiz chikadora ng actress-host na si Carmina Villarroel sa kanyang, kung saan naka-one-on-one niya ang Babawiin Ko Ang Lahat co-star niyang si Tanya Garcia-Lapid.

Sa vlog ni Carmina, na inupload noong Pasko, isa sa mga natanong niya sa nagbabalik-Kapuso na si Tanya Garcia ang naging ka-loveteam niya noon na si Dingdong Dantes.

Naging magkatambal sina Tanya at Dingdong sa loob ng apat na taon, at isa mga naging project nila ang Sana ay Ikaw na Nga (2001).

Diretsahan sinabi ni Tanya, na misis ngayon ng actor-politician na si Mark Lapid, na hindi sila naging magkasintahan ni Dingdong.

Sambit niya, “Hindi…May ano na siya [girlfriend].”

Ipinaliwanag ni Tanya Garcia na hindi sila magiging magkarelasyon ng kanyang dating leading man dahil girlfriend niya noon ang kaibigang si Antoinette Taus.

“Friend ko rin si Toni, super friend ko din

“Actually, siyempre, 'pag kasama mo naman si [Dingdong], almost every day, kasi kahit walang taping, may promo or may ibang guesting, siyempre, magiging crush mo rin, e.”

“Acting kayo ng acting 24/7 na asawa mo or boyfriend mo imposible hindi mo magustuhan, it's just that during that time talaga, I'm friends with Toni kasi, before she left nag-usap kami.

“So siyempre, di ba, ako, respeto ko sa kanya kasi kaibigan ko siya. Pero siyempre gusto ko si Dong, I mean, katrabaho ko siya, e.”


Returning to show business

Magkakasama si Tanya at Carmina sa pinakabagong Kapuso drama series, ang Babawiin Ko Ang Lahat, na unang pagbibidahan din ng young Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Dinirehe din ang naturang soap ni Jules Katanyag.

Inamin ni Tanya kay Carmina Villarroel na-namiss din niyang umarte kahit four to five years na siyang wala sa show business.

“Actually, na-miss ko talaga. Kasi, kahit noong four-five years sabi ko kasi ayaw ko na, siyempre, 'yung kids ko gusto ko talagang hands on ako sa kanila--I have three girls.

“Super hands-on ako sa kanila, tapos kahit sinasabi ko na sa GMA or sa manager ko na ayaw ko na, mayroon pa rin, e.”

Na-realize diumano ni Tanya na maaring destiny niya ang bumalik sa pag-arte, dahil patuloy pa rin ang pagdating ng offer sa kanya.

“So ito parang recently, before the pandemic, actually, so ino-offer 'to, di ba? So, parang naisip ko na kahit ayaw ko na mayroon pa rin.

“Baka talagang dito ako dinadala. 'Di ba, ikaw ayaw mo na gusto mo na lang maging mom, pero mayroon paring mga offer.

“Sa dami na ng dumadating, di ba, madami nang nawala din, pero naalala ka pa rin nila and both networks, mayroon talaga.

“So sabi ko talaga, siguro this is for me,”

Nabanggit din ng celebrity mom na nakakagulat na ang tulad din niyang mahiyain ay mapapasok sa mundo ng pag-aartista.

“Kasi ako, honestly, even before mahiyain ako kahit noong gumagawa talaga ako ng soaps 'yung sunod-sunod. Parating akala nila suplada, pero actually mahiyain talaga ako.

“Hindi ko alam kung paano ako napunta sa industry,”

Tunghayan ang buhay lock-in taping ng cast ng bagong Kapuso series sa Batangas sa gallery na ito:

Related content:

GMA brings together a powerful cast for upcoming drama series 'Babawiin Ko Ang Lahat'

John Estrada, ibinahagi ang challenges sa lock-in taping ng 'Babawiin Ko Ang Lahat'

Meet Dave Bornea and Manolo Pedrosa's characters on 'Babawiin Ko Ang Lahat'