Showbiz News

Aiko Melendez asks Ogie Diaz, 'Sinong lalaking artista ang nakarelasyon mo?'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi pinalampas ni Aiko Melendez na magtanong ng mga kontrobersyal na bagay sa kanyang kaibigan na si Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Naglalaro ng "Truth or Dare" ang magkaibigan nang hamunin ni Aiko si Ogie na magbigay ng pangalan ng isang lalaking artista na nakarelasyon niya.

Tanong ni Aiko, "Oh, mother Ogie, kailangan mag-name ka sakin ng isa, isang tao lang na artista na karelasyon mo dati."

"Meaning, kung hindi karelasyon, it doesn't have to be 'yung talagang affair or 'yung relasyon talaga. 'Yung nagkaroon ka lang ng intimacy."

Balik na tanong ni Ogie, "Babae ba 'to, pre?"

Sagot ni Aiko, "Hindi, lalaki pare. Isa lang. Dati lang naman 'to."

Sa rules na napagkasunduan ng dalawa ay kung hindi kayang sagutin ang tanong ay magbibigay ng dare. Kung hindi kayang gawin ang dare ay magbibigay ng PhP10,000.

"Papangalanan ko?" tanong ni Ogie.

"Si... nagsisimula sa capital letter."

Napansin naman ni Aiko na pinapaikot lang siya ni Ogie kaya tinanong niya ito kung sasagutin niya ang tanong o may ipapagawa na lang siyang dare.

"Sino? Ano, dare na lang?" tanong ni Aiko.

Sagot ni Ogie, "Dare, dare na lang. Kawawa naman 'yung tao."

"Bakit naman kawawa kung nagmahalan naman kayo dati?

"E, hindi naman kami nagmahal, hindi naman kami 'yung sobrang relasyon. Hindi naman.

"Ano 'yon nagtikiman, lang?

"Ang bastos mo, Aiko."

Bago magbigay ng dare si Aiko ay pinipilit pa niya si Ogie na sagutin ang tanong.

Paliwanag ni Ogie, "Nakaraan pa 'yun. Ang tatanda na nila."

Sunod na tanong ni Aiko, "Nakatrabaho ba natin 'to? Sa movie? Oh my God, sa movie, 'yung magkasama tayo? Kasi lahat ng movies mo, mostly nasa akin."

Sagot ni Ogie, "Oh, ano 'to? Truth na ba hinihingi mo o dare? Dare."

Ano kaya ang ipapagawa ni Aiko sa kanyang kaibigan na si Ogie?

Panoorin ang nakakatawa at nakakaaliw na vlog ni Aiko:

Sa unang parte ng kanilang truth or dare, tinanong ni Ogie si Aiko kung sino ang babalikan niya sa mga dating niyang asawa na sina Jomari Yllana at Martin Jickain.

Sina Jomari at Martin ang ama ng kanyang mga anak na sina Andre at Marthena.

"Pwedeng hindi ko sagutin, mother? Magde-dare na lang ako," sagot ni Aiko.

"Ayokong makasakit kasi pareho silang tatay ng mga anak ko. Ayokong masaktan 'yung mga anak ko."

Kasalukuyang napapanood si Aiko sa hit afternoon series na Prima Donnas tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

Samantala, tingnan ang fitness transformation ni Aiko sa gallery na ito: