Showbiz News

Kylie Padilla, gusto muna makapagpahinga sa gitna ng usap-usapang hiwalay na sila ni Aljur Abrenica

By Cara Emmeline Garcia

Nanatiling tahimik ang parehong panig nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa usap-usapang hiwalay na sila matapos ang sunod-sunod na cryptic posts ng nauna sa kanyang social media account.

Kamakailan kasi nag-post si Kylie ng ilang mga litrato na nagpapahiwatig ng 'di pagkakamabutihan nilang asawa katulad na lamang ng litrato ng kanyang kaliwang kamay na walang wedding ring at ng isang happy selfie na may caption na “free.”

Kalaunan, tinanggal din ni Kylie ang parehong post.

Source: kylienicolepadilla (IG)

Ayon sa ilang sources mula sa Chika Minute report ni Nelson Canlas, nanghihingi ng oras si Kylie na makapagpahinga muna upang makapag-fokus sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak.

Kuwento ng isang source, nagpunta muna ang Kapuso actress kasama ang kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo sa bahay ng kanyang ama na si Robin Padilla at sa Pampanga para magbakasyon.

Patuloy pa rin daw si Kylie sa pagtupad ng kanyang endorsement commitments ngunit wala muna siyang planong magbalik showbiz lalo na't mahihiwalay siya sa kanyang mga anak dahil sa locked-in taping.

Dagdag pa ng isang source ay nanghihingi si Kylie ng kaunting panahon para makapagtuunan ang sarili dahil malaking challenge maging hands-on mom sa kanyang mga anak.

Balikan ang relationship timeline nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa gallery na ito: