Dingdong Dantes, Marian Rivera say the pandemic made them stronger together
Six years ng kasal ang Kapuso Primetime Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at mayroon na silang dalawang anak, sina Zia at Ziggy.
Ayon kay Dingdong, sa live online event nila ni Marian para sa GMA Pinoy TV ngayong April 30, bigayan at unawaan daw ang sikreto sa kanilang magandang samahan.
"Maganda kasi na, in any relationship, sabihin man natin kahit sa magkaibigan o kasama sa opisina, lalong-lalo na sa ka-partner mo sa buhay na katulad namin na mag-asawa kami, ang guiding principle kasi namin ay, siyempre, first, we honor the strengths of our partners.
"We recognize these strengths and we will be there in case na kailangan nila, in times of any weakness.
"Do'n papasok 'yung complement sa kakulangan kung meron man.
"Kung may kalakasan, 'yung strength na 'yun iko-complement mo s'ya," bahagi ni Dingdong.
Sabi pa ng aktor, dapat daw ay tulungan ang magkarelasyon sa pag-nurture ng kanilang passion.
"Bibigyan mo s'ya ng espasyo, bibigyan mo s'ya ng opportunity para lalo pa s'ya mag-grow, para gawin n'ya pa 'yung passion n'ya kung saan s'ya magaling.
"Katulad ng pagluluto ni Marian, s'ya talaga 'yung nagluluto sa 'min. 'Yun 'yung kahinaan ko so, siyempre. humihingi ako ng tips sa kanya, tinuturuan n'ya ako.
"Hindi ko naman gusto maging cook o pinakamagaling magluto sa bahay pero kahit papaano nabigyan n'ya 'ko ng confidence. Kahit sa pamamagitan ng isang dish, masasabi ko na marunong na 'kong mgluto ng adobo dahil sa kanya."
Love in the time of quaratine
Mahigit isang taon nang nasa community quarantine ang Pilipinas sanhi ng COVID-19 pandemic.
Ani Dingdong, nakatulong daw ito para lalo pa nilang makilala ang isa't isa at mapagtibay ang kanilang samahan.
"'Pag magkasama kayo sa loob ng isang bahay, do'n talaga lalabas lahat, 'di ba?
"Pero masasabi ko, at this point, mas tumibay pa nga 'yung pagsasama namin lalo na very, very concentrated 'yung samahan namin for the past year kasi 'di talaga kami lumalabas masyado, talagang andito lang kami.
"Malaking bagay 'yung mas nakakapag-usap kami, mas malalim na usap.
"Meaning napag-uusapan namin kung ano ba 'yung views n'ya kasi ma-a-update ka rin.
"Iba 'yung views n'ya 10 years ago sa views n'ya ngayon kasi we have time and, I think, 'yung gift of time is very, very precious for us especially now.
"Kasi kapag nakakapag-usap kayo, mas mauunawaan n'yo 'yung isa't isa, mauunawaan mo 'yung partner mo and then ma-re-realize mo ito pala 'yung gusto n'ya, ito pala 'yung ayaw n'ya.
"At the end of the day, harmony sa bahay. Wala namang perfect na relasyon pero 'yung harmonious, 'yun yung ideal state na gusto talaga natin."
Panoorin ang buong panayam dito:
Samantala, silipin ang quarantine life ng The Dantes Squad dito: