Showbiz News

Dingdong Dantes, aminadong 'napakasuwerte' niya na naging asawa si Marian Rivera

By Maine Aquino

Nagbahagi ng maikling detalye si Dingdong Dantes kung bakit nag-social media hiatus ang kaniyang asawa na si Marian Rivera.

Ito ay ikinuwento ng Kapuso Primetime King sa entertainment writers sa ginanap na online media conference ng 3rd anniversary ng Amazing Earth nitong June 11.

Paglilinaw ni Dingdong, si Marian ang makakasagot ng kumpletong impormasyon sa kaniyang dahilan ng hiatus sa social media.

"I think siya 'yung pinaka-best na sumagot niyan."

Suportado naman ni Dingdong ang desisyon ng kanyang asawa. Naniniwala siya na importante rin para sa mga personalidad tulad nila ang magpahinga para makapag-recharge at makapag-isip.

"Kami as a family, gaya ng sabi ko kanina, maganda rin minsan you take a step back, you relax, you evaluate and ano lang, parang chill ka lang muna."

Photo source: marianrivera

"Kapag recharged ka na, kapag energized ka na ulit, sabak ka na ulit."

Ayon sa Amazing Earth host, kailangan ang break para lumakas ang isang tao.

"Minsan kinakailangan talaga 'yun pampalakas ng katawan, pampalakas ng isip, pampalakas ng kaluluwa."

Ikinuwento rin ni Dingdong sa online media conference ang nadiskubre niya tungkol kay Marian ngayong quarantine.

Ayon sa Kapuso star, "Masasabi kong napakasuwerte ko na siya talaga ang naging asawa ko kasi talagang ginamit namin itong oras together and we've been so busy as individuals for the past siguro ako 20 years, siya siguro 12 years sa pagiging active in show business."

Nagbigay din ng mas maraming oras para makapag-focus sila sa kanilang pamilya.

"Ito lang talaga 'yung naging oras namin para ma-enjoy 'yung company ng bawat isa much more, ma-enjoy 'yung company ng kids."

Nakita lalo ni Dingdong ang magagandang katangian ni Marian bilang asawa at ina nina Zia at Sixto.

"Mas lumabas 'yung pagiging mapangalaga niya, pagiging patient and overall super mom to us and to the kids of course. That's why masasabi kong sobrang suwerte ko talaga sa kaniya."

Tingnan ang mga bagong litrato ni Marian Rivera pagkatapos ng kaniyang social media break.