GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

'KMJS': Childhood besties, muling nagkita dahil sa TikTok

By Bianca Geli
Published June 28, 2021 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Paano nahanap ng isang babae ang kaniyang kababata sa TikTok?

Marami ang kinilig sa mala-K-drama story ni Julienne Genove kung saan nahanap niya ang kababatang si Kenneth sa pamamagitan ng TikTok!

Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kinuwento ni Julienne kung bakit siya gumawa ng TikTok post na laman ang lumang litrato nila ng dati niyang kalaro, na labing-apat na taon na niyang hindi nakikita.

"Araw-araw po siyang pumupunta sa bahay, 'tapos naglalaro po kami. Na-curious lang po ako kung nasaan na siya," aniya.

Taong 2007 sa Puerto Princesa, Palawan nang magkakilala noon ang tatlong taong gulang na si Julienne at limang taong gulang na si Kenneth.

Pag-alala pa ng dalaga, "Si Kenneth lagi po pumupunta sa amin. Umuuwi siya para lang po kumain, 'tapos babalik din po sa hapon. Sobrang tahimik po niya at sobrang linis.

"Sobrang tahimik niya lang po. Kahit inaaway ko siya hindi siya pumapatol."

Ngunit ang kanilang pagkakaibigan, biglang naudlot nang lumipat na ng tirahan si Kenneth.

Simula noon, mga alaala lang ng kanyang best friend ang natira, kasama ang mga naitago niyang litrato at video nila ni Kenneth.

Nang mauso sa TikTok ang kantang "Never Forget You" ng bandang Noisettes, naisipan ni Julienne para hanapin si Kenneth sa pamamagitan ng kantang ito at slideshow ng kanilang mga litrato.

"To my childhood friend whom I never saw again after they moved out," sulat ni Julienne sa post.

Nag-viral ang video at ilang mga nag-message kay Julienne na nagpapanggap na sila si Kenneth.

Katagalan ay nagparamdam na rin ang tunay na si Kenneth, na nagulat ng makita sa TikTok ang dati niyang kababata.

Kwento niya, "Nahihiya lang po ako. Kasi iba na siya ngayon. Dati sipunin lang siya. Ngayon, maganda na siya," he said.

Na-intimidate din daw si Kenneth sa posers na nag-co-comment sa TikTok ni Julienne, na nagpapanggap na sila ang kababata nito.

"Nahihiya ako kasi may mga itsura sila. Malalaki katawan, mapuputi. Tas ako ganito lang. Sure na ako walang laban," he said.

Samantala, maraming netizens ang kinilig at nag-abang kung mahahanap ba ni Julienne si Kenneth.

"Masaya po ako sa marami rin pong natuwa sa amin," sabi ni Julienne sa KMJS.

Panoorin ang nakakikilig na muling pagtatagpo nina Julienne at Kenneth dito:

Patuloy na panoorin ang KMJS tuwing Linggo, 8:40 PM sa GMA Network.

Samantala, narito naman ang ilang inspiring love stories ng celebrity couples:

Macho dancer earns P30,000 a night from performing at home