GMA Logo Bea Alonzo, Dominic Roque
Photo by: beadom_fanatic (IG)
What's Hot

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo sa Amerika

By Bong Godinez
Published July 18, 2021 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo, Dominic Roque


Finally, may picture at video na sila na magkasama!

Marami ang kinilig nang makitang magkasama sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa isang party sa San Francisco, California.

Ang nasabing party ay ang baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo na ipinagbubuntis ang una nitong anak sa asawang si Adam Hutchinson.

Hindi kaila sa marami na magkamag-anak sina Beth at Dominic.

Sakto naman dahil nagbabakasyon sa Amerika ngayon si Dominic at ang rumored girlfriend nito na si Bea Alonzo kaya naka-attend ito.

Sa Instagram post ng kaibigan ni Beth na nagngangalang Fanny Zha ay makikita ang ilang larawan na kuha sa baby shower.

Kasama sa mga larawan na ito ay ang isang kuha na kasama sina Bea at Dominic.

May video rin na kung saan ay nahagip ng kamera si Bea na masayang nanunood sa isang game na inihanda bilang parte ng selebrasyon.

A post shared by nikki (@nikbey_couple)

Hindi naman siyempre nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang mga larawan at sa kasalukuyan ay kalat na rin sa social media ang larawan at ang video.

A post shared by Bea Dominic Roque (@beadom_fanatic)

July 6 nang magtungo si Bea sa Amerika para mag-relax ilang araw matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network.

Hindi sinabi ni Bea kung sino ang kanyang kasama magbakasyon sa U.S.

Hindi naman nagtagal ay napagtagpi-tagpi rin ng publiko na si Dominic ang kasama ng dalaga dahil na rin sa ilang clues at comments na lumalabas sa post ng dalawang celebrities.

Subalit dahil sa larawan at video na lumabas galing sa baby shower ni Beth Tamayo ay tuluyan na ngang nakumpirma ng publiko na magkasama ngang nagbabakasyon ang rumored couple.

Samantala, tingnan ang ilan sa mga larawan ni Bea na kuha sa kanyang kasalukuyang US vacation: