Showbiz News

Bea Alonzo at Dominic Roque, magkasamang bumisita sa isang museum sa Amerika

By Dianne Mariano

Kilig vibes ang handog ni bagong Kapuso Bea Alonzo at ang kanyang rumored boyfriend na si Dominic Roque nang magkasama silang bumisita sa isang tanyag na museo sa Amerika noong nakaraang Hulyo 27.

Kumpirmado na magkasama ang dalawa sa San Francisco Museum of Modern Art nang ibahagi ni Dominic ang kanilang larawan sa kanyang Instagram account.

Sinulat niya sa caption: “The 'Earth' without 'ART' is just 'EH.'”

Sa walong larawan na ipinost ng aktor, isa roon ay si Bea Alonzo na makikitang nakatalikod at isang silhouette na litrato nilang dalawa.

Photo courtesy: dominicroque (IG)

Nakatututuwa naman ang komento ng bagong Kapuso star at nag-iwan ng tatlong heart emojis sa naturang post.

Photo courtesy: dominicroque (IG)

Agad naman itong sinagot pabalik ni Dominic at kagaya ng aktres, nag-iwan din siya ng tatlong heart emojis.

Umusbong din ang pagsuporta ng kanilang fans at inulan ang comments section ng aktor ng mga heart at heart-eyed emojis.

Photo courtesy: dominicroque (IG)

Sa kasalukuyan, ang nakakakilig na larawan ni Bea at Dominic ay mayroong higit 153,000 likes sa Instagram.

Noong Hulyo 26, ibinahagi ng beteranong actress ang kanyang “cali roadtrip photo dump” kung saan makikita ang iba't ibang magagandang natanaw ng aktres. Isa na rito ang litrato ni Dominic na nakatakip ang mukha gamit ang film camera.

Photo courtesy: beaalonzo (IG)

Kamakailan lamang din ay inilahad ni Bea ang kanilang unang litrato ng aktor sa kanyang Instagram feed noong sila ay nasa Yosemite National Park sa California.

Ilang beses na ring nakita ang dalawa na magkasama sa isang lugar gaya na lamang noong baby shower ng dating aktres na si Beth Tamayo, noong ika-31 na kaarawan ni Dominic, at sa AutoCamp Yosemite kung saan nakayakap si Bea sa likuran ng aktor.

Noong July 9, bumiyahe si Bea papuntang Amerika upang magbakasyon bago simulan ang kanyang bagong career sa Kapuso Network ngunit hindi niya inilahad kung sino ang kanyang kasama.

Simula noon, marami ang nakapansin sa magkaparehong posts nila ni Dominic - na nagtungo din sa naturang bansa - at ito'y patuloy na nagbigay ng kilig sa kanilang fans at supporters.

Samantala, tingan muli ang mga nakakakilig at sweet na larawan nina Bea at Dominic sa gallery na ito: