GMA Logo LJ Reyes
What's Hot

LJ Reyes, may ginawa bang ikinagalit ni Paolo Contis?

By Bianca Geli
Published August 28, 2021 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes


May nagawa ba si LJ Reyes na ikinatampo ni Paolo Contis?

Isang laro ng "Shot o Sagot" ang nilaro ng hosts at guests Mars Pa More, dito ay kailangan nilang inumin ang nakalagay sa shot glass kung hindi sila makakasagot sa tanong.

Nakasama ng host na si Camille Prats bilang guest co-host si LJ Reyes. Kasama rin nila ang mga Kapuso stars na sina Shayne Sava at Kim de Leon, na unang natanong.

Nang si LJ na ang kailangang sumagot, tinanong ang aktres tungkol sa pinakamatinding dahilan kung bakit sumama ang loob o nagalit sa kaniya ni Paolo Contis.

Ang mabilis at natatawang sagot naman ni LJ, "Wala. Ang bait ko eh."

Kaya naman dinugtungan ni Camille ang tanong kung may nagawa ba siyang pinagtampuhan ni Paolo.

Pero ayon kay LJ, hindi raw matampuhin si Paolo.

Tanong uli ni Camille, "Ano lang?"

Dito medyo nag-isiip si LJ pero ang naging matipid niyang sagot, "Wala."

Dahil walang buong kuwento si LJ, kinailangan niyang pumili ng iinumin na nakalagay sa shot glass.

Panoorin sa video ang buong episode.

Tignan ang litrato ng pamilya nina LJ Reyes at Paolo Contis: