
Para sa maraming kababaihan, ang maihatid sa altar ng magulang sa araw ng kasal ang isa pinakamagandang regalo na kanilang matatanggap.
Ito rin ang naging kahilingan ni Charlotte Gay Villarin-Cordova sa kaniyang amang si Pedro Villarin Jr. bago ito pumanaw.
Kwento ni Charlotte sa Stories of Hope, maganda raw ang naging relasyon niya sa kaniyang Ama. Sa katunayan, si Charlotte nga raw ang itinuturing na paboritong anak ni Tatay Pedro dahil sa pagiging close nila.
“Para kaming magbarkada lang, kaya kong sabihin sa kaniya lahat, siya rin kaya niya rin akong sabihan ng kahit na ano… lagi niya akong sinusuportahan sa lahat ng bagay” kwento pa ni Charlotte.
Hanggang sa noong June 2018, sa selebrasyon mismo ng Father's Day, bigla raw nakaramdam si Tatay Pedro ng matinding sakit ng tiyan kaya agad siyang isinugod sa ospital. Pero bago pa pala ito mangyari, tinaningan na ng Doktor si Tatay Pedro dahil nasa last stage na ang kaniyang liver cancer.
Source: Stories of Hope (YouTube)
“In one of the checkups po, tinapat na po kami ng Doktor na pwedeng 2 months na lang, 1 month na lang, we don't know.” kwento ng asawa ni Charlotte na si Mark.
December 2018 ang dapat na kasal nina Charlotte at Mark pero kinailangan nila itong paagahin dahil sa malubhang kondisyon ni Tatay Pedro. Ginanap ang kasal nina Charlott at Mark noong August 9, 2018.
Di gaya ng magagarang sasakyan tuwing kasal, sa isang ambulansiya isinakay si Tatay Pedro papunta ng simbahan. Sa ambulansiya na rin nakapagpictorial si Charlotte kasama ang mga magulang.
Source: Stories of Hope (YouTube)
Sa mga oras daw na iyon, magkahalong saya at lungkot daw ang naramdaman ni Charlotte na makita ang amang nahihirapan pero masaya rin siya dahil nakadalo pa rin ang ama sa kaniyang kasal.
'Yung malungkot ka tsaka masaya pwede mo pala yun maramdaman na magkasama or sabay. Kahit na feeling ko na sobrang nahihirapan na siya at that moment, naramdaman ko talaga na parang sinasabi niya sa sarili niya na, 'Anak, ang saya, kasi nandito ako.'"
Source: Stories of Hope (YouTube)
Naging maayos at masaya ang kasal nina Charlotte at Mark, pero ang kasiyahang ito ay nanatiling panandalian lamang dahil, tatlong araw lang matapos ang kasal, tuluyan nang binawian ng buhay si Tatay Pedro.
Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nina Charlotte at Mark at ng kanilang mga pamilya ay nanatiling matatag ang dalawa. Sa katanuyan, siyam na buwan matapos ang pagpanaw ni Tatay Pedro, biniyayaan sina Charlotteat Mark ng isang malusog na anak. Ito raw ang pumawi sa lahat ng kalungkutan na kanilang naranasan.
Panoorin ang kabuuan ng kwentong ito:
Samantala, narito ang ilang inspiring love story ng local celebrity couples: