Showbiz News

Archie Alemania, binenta ang misis niyang si Gee Canlas sa live selling

By Nherz Almo

Bentang-benta sa followers ni Gee Canlas ang "Live Selling Gone Wrong" video niya kasama ang asawang si Archie Alemania.

Sa video mapanonood si Archie na magsisimula sanang mag-live selling ng mga branded na damit. Pero agad naman itong kinontra ng misis niyang si Gee.

Sabi ng celebrity mom, "Hindi 'yan tataas kasi hindi ka marunong mag-host! Hindi ka marunong mag-host, ayan na nga, simpleng-simpleng live selling na nga lang di mo pa magawa."

Nagpatuloy lang si Archie na ipakita ang mga ibinebenta niyang damit, pero muling sumingit si Gee, "Sabihin mo yung brand! Nakikita naman nila na jacket, polo shirt!"

Kasunod nito, inilarawan ni Archie ang unang item na kanyang ibinebenta. Ngunit tila hindi pa rin ito nagustuhan ng kanyang misis, na galit siyang sinabihan ng, "Puwede ba gandahan mo yung boses mo sa pagsasalita mo?! Mag-smile ka naman!"

Dahil dito, di na nakatiis si Archie, "Ako, nabubuwisit na sa 'yo ha!"

Sabay sabi pa sa kanyang viewers, "O, kayo diyan, kung sino may gusto sa inyo, i-mine n'yo na! Sa inyo na 'tong asawa ko, napakamabunganga nito! Puwedeng-puwedeng... Ayun, sakto may nag-mine! I-screenshot mo na... sa 'yo na! I-send mo na kaagad yung details, ipapadala ko na yung asawa ko ngayon na!"

Sa sumunod na video, ipinakita ni Archie ang misis niyang si Gee, na balot na balot ng bubble wrap. Habang tila nagra-rap na kinakausap ni Gee si Archie, sinabi ng Bubble Gang star, "Nabalot ko na po. Isi-ship ko na po doon sa nag-mine. Hindi ko pa po nabubusalan, pero don't worry, pagdating sa inyo nakabusal na 'to, well-packed, and tahimik na po siya."

Kasalukuyang may mahigit na 4 million views at mahigit 4,000 comments na ang unang video nina Archie at Gee. Samantalang, ang sumunod na video ay umani na ng halos 2 million views at mahigit 2,000 comments.

Dahil dito, nagpasalamat ang mag-asawa sa mga positibong reaksyon ng netizens sa kanilang funny couple videos.

"Nakakataba naman ng puso ang mga aliw comments niyo from our live selling skit! More kakulitan coming up!"

Simula na rin kaya ito na tunay na live selling nina Archie at Gee?

Samantala, tingnan ang nakaaaliw na before-and-after photos nina Archie at Gee rito: