Showbiz News

LOOK: Lovely Abella at Benj Manalo's house blessing

By EJ Chua

Dreams do come true! Pinabasbasan na nina Bubble Bang babe Lovely Abella at kanyang asawa na si Benj Manalo ang kanilang bagong bahay.

Courtesy: lovelyabella_ (IG)

Lubos ang kanilang kasiyahan dahil natupad na ang pangarap nila para sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa pag-o-online selling na sinimulan ng couple noong 2020, nakapag-ipon sila para sa kanilang dream house.

Dahil dito lubos na hinangaan ng ilang netizens at kanilang mga kaibigan ang ipinamalas nilang sipag at tiyaga kahit nasa gitna ng pandemya.

Kasunod nito, very humble na nagpaabot si Lovely ng advice para sa mga taong nagnanais rin na maabot ang kanilang mga pangarap.

“Bumagsak din kami pero di kami nagpatinag sa problema. Lalong pagsumikapan kung nagsisimula na kayo. 'Wag kayong mawalan ng lakas ng loob," payo niya.

Dagdag pa ng aktres, “Simulan ninyo sa tiwala kay Lord at tiwala sa inyong mga sarili. Kung 'di man lahat nagtitiwala sa inyo, promise, meron pa ring mga taong magtitiwala sa inyo.”

Kasabay ng selebrasyon, lubos ang pasasalamat ni Lovely sa isang magandang regalo na kanilang natanggap.

Ayon sa caption ni Lovely sa kanyang Instagram post, “Salamat sa napakagandang blessing sa aming mag-asawa, nagpapatunay na kung may tiyaga may nilaga, nagpapatunay na lumaban tayo sa buhay.”

Dagdag pa ng aktres, “Ginamit namin nang tama at maayos ang talentong binigay sa amin ni Lord.”

Isang sweet message rin ang ipinaabot ni Lovely sa kanyang supportive husband na si Benj.

“Sa aking asawa, salamat at lagi kang nakaalalay sa 'kin, salamat at team work tayo sa lahat ng bagay. 'Di po namin hinahayaang ayaw ng isa dapat laging meet half way kami.

"Makakaasa ka, babe, na sa lahat ng pagsubok, lalo nating pagtitibayan dahil marami pa tayong mararanasan,” pahayag ni Lovely.

Sa Instagram post naman ni Benj Manalo, sinabi niyang hindi siya makapaniwalang nagkatotoo na ang pangarap lang nila noon ng kanyang asawa/teammate na si Lovely.

Samantala, balikan ang garden-themed wedding ni Lovely at Benj sa gallery na ito: