Showbiz News

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nagpalitan ng 'I love you' sa social media

By Jimboy Napoles

Marami ang nagulat at kinikilig ngayon sa social media dahil sa palitan ng "I love you" ng Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo kasabay ng kanilang kumpirmasyon tungkol sa kanilang tunay na relationship status.

Huwebes ng umaga, March 17, nagpost sina Jeric at Rabiya sa kanilang Instagram accounts ng mga larawan at video habang sila ay magkasama. Kalakip nito ang sweet messages para sa isa't isa.

Sa post ni Jeric, makikita ang ilang larawan nila ni Rabiya mula sa kanilang tila naging bakasyon.

"To more memories with you @rabiyamateo I love you," caption ni Jeric sa kanyang post.

Agad naman itong sinagot ni Rabiya, "Through good and bad times, Im gonna be there by your side. I love you Babe," aniya.

Sa hiwalay na post naman ng beauty queen at aktres, ibinahagi niya ang video habang pasan-pasan siya ni Jeric pababa ng hagdan sa isang farm.

"Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric. @jericgonzales07," saad ni Rabiya sa kanyang post.

Maraming celebrities din ang nagpahatid ng kanilang kasiyahan para sa dalawa, una na dito si Yasmien Kurdi na makakasama ni Jeric sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up, at sina Thea Tolentino, Juancho Triviño, Kristoffer Martin, EA Guzman, Arny Ross, Garrett Bolden, Kim Rodriguez at Jerald Napoles.

Maging ang mga kapwa beauty queen ni Rabiya na sina Miss Universe 2021 Top 5 Beatrice Luigi Gomez, at Miss Universe 2020 Top 10 Amanda Obdam mula sa Thailand ay natuwa para sa kanila.

Samantala, patuloy naman na mapapanood si Rabiya sa season 2 ng Agimat ng Agila tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA. Abangan naman si Jeric sa Start-Up Philippines kasama sina Yasmien, Alden Richards, at Bea Alonzo.

Silipin naman ang mga larawan ng real-life Kapuso couples sa gallery na ito.