Showbiz News

Vloggers na sina Junnie Boy at Vien Iligan, ikinasal na

By Jimboy Napoles

Ikinasal na ang YouTube vlogger na si Marlon Velasquez o mas kilala sa social media bilang si Junnie Boy sa kanyang live-in partner at kapwa vlogger na si Vien Iligan sa isang wedding ceremony ngayong Lunes, March 28.

Sa Facebook post ni Vien, makikita ang larawan nila ni Junnie Boy sa altar habang ipine-flex ang kanilang wedding rings.

"JUST GOT MARRIED!!! #lifetimeadVIENturewithJUNNIE," caption ni Vien sa kanyang post.

Present sa kanilang kasal ang kapatid ni Junnie Boy na si Cong TV at ang girlfriend nitong si Viy Cortez kasama pa ang kanilang grupo na Team Payaman.

Bago pa man ikasal sina Junnie at Vien ay biniyayaan na sila ng anak na si Baby Mavi o kung tawagin nila ay si Itlog.

Samantala, kung may nauuwi sa kasalan, may ilang YouTube celebrity couples naman ang sinubok ang tatag ng relasyon. Alamin kung sino-sino sila sa gallery na ito: