Showbiz News

Kris Bernal, balak nang magtry na makabuo ng baby ngayong taon

By Marah Ruiz

Ngayong taon daw planong magkaroon ng baby ng aktres na si Kris Bernal at kanyang asawa at business partner na si Perry Choi.

Ayon kay Kris, isang buwan daw silang magbabakasyon para sa kanilang honeymoon.

"Gusto muna namin mag-honeymoon talaga since hindi naman nangyari after the wedding. Magbabakasyon kami for a month in June. After that, susubukan na namin [magkaroon ng baby,]" bahagi ni Kris.

Matatandaang ikinasal sina Kris at Perry noong September 25, 2021 sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish in Makati City matapos makaranas ng ilang delays dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil rin dito, hindi rin sila nakapag-honeymoon kaagad.

Sa ngayon, abala sina Kris at Perry sa pagpapalawak ng kanilang negosyo.

"May restaurant kami, bago, na parang international buffet. Kabubukas lang. Nag-o-offer kami ng unlimited grill. Parang Asian grill siya, ganoon 'yung concept," pahayag ni Kris.

Bukod dito, busy din si Kris sa kanyang showbiz projects tulad ng GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247.

May guesting din siya sa anthology series na Tadhana kung saan nakasama niya si Jo Berry.

Lubos daw humanga si Kris kay Jo na first time niyang makatrabaho.

"Natuwa ako kasi very professional siya. Ang galing niya umarte. Ang galing niya umiyak. Kuhang kuha niya agad 'yung emotions. Ang sarap makatrabaho ni Jo Berry," papuri niya sa co-star.

Panoorin ang buong panayam ni Lhar Santiago kay Kris Bernal sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin din ang sunflower-themed wedding nina Kris at Perry dito: