Showbiz News

Lexi Gonzales, masaya sa estado ng kanyang personal life, career, love life

By Gabby Reyes Libarios

"Masayang-masaya."

'Yan ang sabi ni Lexi Gonzales nang tanungin namin siya kung paano niya susumahin ang estado ng kanyang personal life, career at love life sa ngayon.

Bukod sa palagi siyang nakangiti, glowing din ang dalaga nang makapanayam ng GMANetwork.com sa endorsement contract signing niya sa ToledoMed Skin & Body Centre sa China Blue restaurant sa Conrad Manila kamakailan.

Isa si Lexi sa walong Sparkle artists na pumirma, kasama sina Althea Ablan, Luke Conde, Royce Cabrera, Kim De Leon, Sophia Senoron, at newbies na sina Anjay Anson and Jeff Moses.

Unang rason kung bakit siya masaya ay dahil patuloy siyang nabibigyan ng GMA ng pagkakataon na gawin ang mga bagay na na-e-enjoy niya.

Bukod sa kasali siya sa cast ng paparating na bigating series na Love You Stranger, isa na rin sa mga nagpapasaya sa kanya ang guestings niya sa ilang Kapuso shows, partikular na ang Taste Buddies.

"Taste Buddies is always fun, kasi siya lang naman, and there are a lot of food, ang sarap ng pagkain, and of course, good company."

Dahil isa sa hosts ng naturang show si Gil Cuerva, ang lalaking dine-date ngayon ni Lexi, pabiro naming tinanong ang dalaga, "Anyone in particular sa Taste Buddies na na-e-enjoy mo kasama?"

Napa-smile na lang si Lexi sa question, biglang tawa at sambit, "Si Mama Gee Bragancia! Hello, Mama Gee, I love you so much! Hahaha."

Para sa mga hindi nakakaalam, ang binanggit niyang "Gee Bragancia" ay pangalan ng isang researcher sa 'Taste Buddies.'

Kidding aside, hindi naman na itinatago ni Lexi ang kanyang relasyon kay Gil, bagamat hindi pa nag-a-appear sa Instagram accounts nila ang photos ng isa't isa.

Kamakailan ay nagdouble date na sina Lexi at Gil kasama ang magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Sa Instagram post ni Gabbi Garcia, kitang-kita naman na magkayakap ang dalawa.


November 2021 pa lang inamin na nilang dalawa sa isang episode ng Mars Pa More na nasa "dating stage" sila. Sabi pa nga ni Lexi sa naturang episode, "Well si Gil, really nice guy. Sobrang gentleman, parang ipa-feel talaga niya na you're important. 'Yung care ando'n."

Pagkain daw ng masasarap na food ang favorite nilang gawin tuwing sila ay magkakasama.

Kuwento ng Starstruck Season 7 alumna, "Si Gil, yeah, he loves to eat also. Mahilig talaga siya kumain. At super lakas talaga niya kumain, hindi siya makaka-last nang onti lang 'yung kinain niya. Oorder siya ngayon ng chicken, [tapos] may isa pang chicken na oorder, gano'n."

Naging form of "bonding" na rin ito para sa kanila.

"Yeah, I think it's one of our bondings rin. Us, siguro few times a month, wala lang, we just go out and eat. Lalo na ngayong lumuwag na, so nag-sa-start na kaming umikot.

"And I think last time we went to a restaurant na kung saan kami last na nag-Taste Buddies, yung pinaka-last namin na episode. We went back. So 'yun 'yung ginagawa namin, sa gano'n kami abala, eating."

Napatigil at napa-smile naman si Lexi nang tanungin namin muli kung ano ang masasabi nito sa estado ng kanyang relationship with Gil Cuerva.


"Uhm, how would I describe it?" panimula niya, na tila nagpipigil ng kilig at ngiti. 'Di rin niya natiis at napahalakhak na lang sabay sabing, "I'm happy! I'm happy! Really happy!"

Ayon kay Lexi, they enjoy each other's company and they're taking it slow.

"We're taking it slow, we're not in a hurry. Slowly but surely, I'm getting to know him and he's also getting to know me. As days go by, mas nare-realize ko na we have a lot of things in common. So yeah, masaya lang ako!"

Nameet na rin ni Lexi ang pamilya ni Gil.

"Yeah, I think they had a family reunion, and then he invited me. That's why I met them [Gil's parents]."

Nagkita't nagkakilala na rin ang nanay ni Lexi at si Gil.

"My mom met him already. My dad, hindi pa."

Biro ni Lexi habang nakatingin sa camera, "Daddy..." na tila nagpapahiwatig na kailangan na nilang magkakilala.

"We're really taking it slow. Hindi naman kami nagmamadali. And we don't want to pressure each other. Basta, I am happy."

Para sa updates tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa manatiling nakakatutok sa GMANetwork.com. Samantala, mas kilalanin pa si Lexi Gonzales sa gallery na ito: