GMA Logo Rey PJ Abellana, Tom Rodriguez, and Carla Abellana
What's Hot

Rey "PJ" Abellana, may nilinaw tungkol sa Tom Rodriguez-Carla Abellana issue

By EJ Chua
Published March 15, 2022 8:39 PM PHT
Updated March 15, 2022 10:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rey PJ Abellana, Tom Rodriguez, and Carla Abellana


May paglilinaw na ginawa sa 24 Oras si Rey "PJ" Abellana tungkol sa issue na kinasasangkutan ng kanyang anak na si Carla Abellana at asawa nitong si Tom Rodriguez.

Ilang mga bagay ang nilinaw ni Rey 'PJ' Abellana, tungkol sa isyu ng diumano'y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Sa 24 Oras na ipinalabas ngayong gabi, March 15, ikinuwento ng ama ni Carla ang ilang detalye tungkol sa naturang isyu at problemang kasalukuyang kinakaharap ngayon ng Kapuso couple.

Unang ibinahagi ng aktor na pinayuhan niya ang mag-asawang sina Tom at Carla.

“Importante na may communication silang dalawa, i-workout na nila 'yan. So much the better ma-normalize na uli sila. Maipagpatuloy na nila ang buhay mag-asawa nila,” payo ni Rey PJ.

Ayon kay Rey, personal daw siyang kinausap ng kanyang manugang na si Tom upang ipaliwanag ang kanilang problema ni Carla.

“When he came over to talk to me and explain his side, he would cry along with his explanations and everything and he keeps on saying na, he wants his wife back. He wants Carla back. He loves Carla very much that's why they settled down,” kuwento ni Rey PJ.

Pag-amin ni Rey PJ, nagkamali raw siyang hindi naipaliwanag nang mabuti ang issue tungkol sa one-night stand na nabanggit niya sa isang panayam.

“At first, nalaman ni Carla na may issue na one night stand na involve si Tom. Si Tom naman already able to explain kay Carla na wala naman din pong katotohanan ito at naiwasan naman din niya na mangyari iyon. Wala pong natuloy na one night stand according to Tom's side naman,” paglilinaw ni Rey.

“'Yun po ang scenario sa issue roon sa one night stand,” dagdag pa ni Rey.

Ayon pa sa aktor, hindi pa niya naririnig ang side ng anak na si Carla tungkol sa isyu.

Ikinasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana noong October 23, 2021.

Matatandaang isang wedding wish ang ibinahagi noon ni Rey “PJ” Abellana para sa Kapuso couple.

“I want them to have a happy and successful and loving and forever family. I'm just hoping na it will last forever. Kagaya ng mga vows sa weddings, 'Til Death Do You Part.'

Samantala, tingnan ang wedding photos nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa gallery na ito: