Showbiz News

Allen Ansay kay Sofia Pablo: 'Taong nagpapasaya sa akin araw-araw'

By Jimboy Napoles

Hindi pa man nagsisimulang ipalabas ang kanilang bagong series na Luv Is: Caught In His Arms, nagpakilig na ngayon sa social media ang mga bida nito at Sparkle sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Allen ang mirror shot photos nila Sofia habang very sweet sa isa't isa.

Ilan sa mga larawan ay habang hawak ni Allen ang ulo ni Sofia at ang isa naman ay ang pagkurot niya sa pisngi ng dalagang aktres.

"Taong nagpapasaya sa akin araw-araw," matamis na caption ni Allen sa kanyang post.

Agad naman itong pinusuan ni Sofia at nagkoment pa sa post ng tatlong yellow heart emojis.

Sa reply ni Sofia ay agad ding naki-usisa ang aktor na si Gio Alvarez na gaganap bilang ama ng aktres sa nasabing kilig series.

"Aba! Aba! Anak!?!," saad ni Gio.

"HAHAHAHAH TATAY!!! labyuuuu po!!!," sagot naman ni Sofia.

Samantala, makakasama din ng dalawa sa series ang ilan sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

Abangan ang world premiere ng LUV IS: Caught in his Arms sa October 3 na sa GMA.

Para sa iba pang updates, bisitahin lang ang GMANetwork.com.

Samantala, silipin naman ang ilang sweet photos nina Sofia at Allen sa gallery na ito: