GMA Logo Pokwang
PHOTO SOURCE: @leeobrian
What's Hot

Pokwang, iginiit na hindi siya iniwan ni Lee O'Brian: 'Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!'

By Maine Aquino
Published February 1, 2023 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Saad ni Pokwang sa mga netizen, "'Di ba yan ang gusto nyo, mga MARITES???"

Matapang na nag-react si Pokwang sa netizens na sumusubaybay sa kanilang hiwalayan ni Lee O'Brian.

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang mga rebelasyon ni Pokwang tungkol sa dating partner. Kaya naman nagsalita na ang aktres sa mga nagsasabing huwag na ilahad ang kanilang personal na problema sa social media.

PHOTO SOURCE: @itspokwang27

Ayon sa Instagram post ni Pokwang, "Mga hypocrite! Bakit daw kailangan pa i socmed ang problema? di ba yan ang gusto nyo mga MARITES???"

Dagdag pa ni Pokwang ay marami pa siyang ibabahagi sa kanyang mga posts.

Ani Pokwang, "Na entertain na ba kayo? Husga pa more malapit na kayong mapaso SOON!!!"


PHOTO SOURCE: Instagram story: @itspokwang27

Bago pa man nag-post si Pokwang nito ay may sinagot din siyang netizen tungkol sa hiwalayan nila ni Lee.

Saad ni Pokwang sa netizen, "Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siya palamunin at limang taon walang child support! Wag ka na baka madamay ka sa demandahan namin."

Sunod namang inamin ni Pokwang, "fyi hindi ako iniwan bwahahhaaahaaa tanungin mo sya bakit ko siya pinalayas!!!!"


PHOTO SOURCE: Instagram

Dugtong pa niya, "Super tanggol ka type mo ba siya? hahahahhaa dika papatulan nyan kung waley ka pakinabang!!! or kaibigan mo yung babaeng involve? pakisabi congrats nagtagumpay sya na wasakin ang puso ng anak namin na ngarap na mabuo kaming muli!"

Taong 2022 nang inamin ni Pokwang ang kanilang hiwalayan ni Lee. Ayon sa TiktoClock star ay nagtapos ang kanilang relasyon pitong buwan bago niya kumpirmahin ito sa interview.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE: