GMA Logo rene baterbonia
Courtesy: Provincial Government of Agusan del Sur, renebaterbonia IG
What's Hot

Rene "Bobet" Baterbonia, inihatid na sa kanyang huling hantungan

By EJ Chua
Published June 24, 2026 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: Do AI data centers raise local temperatures? Here is how they impact land heat
Area of barangay in Oton, Iloilo flooded for almost a year
More than 300 exhibitors to be featured at next month's Philippine Travel Mart

Article Inside Page


Showbiz News

rene baterbonia


Nagpaalam na kay Rene “Bobet” Baterbonia ang kanyang pamilya, mga kaibigan, teammates, at mga tagahanga.

Bumuhos ang mabigat na emosyon ng pamilya, mga kaibigan, teammates, at mga tagasuporta sa huling sandali na nasilayan nila ang mga labi ni Rene “Bobet” Baterbonia.

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Rene matapos ang mahigit dalawang linggong burol mula sa Quezon City hanggang sa dalhin ang kanyang labi sa kanyang hometown sa Agusan del Sur.

Sa photos na ibinahagi ng Provincial Government ng Agusan del Sur, makikita ang mga naging kaganapan sa libing ng tinaguriang Mr. MVP.

Bukod sa pamilya ng basketball player, dumating din ang dati niyang teammates, coaches, mga kaibigan, at mga taong patuloy na humahanga sa kanya upang magbigay ng kanilang huling pagpupugay kay Rene.

Naganap ang huling araw ng kanyang burol nitong Martes, June 23 sa Talacogon Evacuation Center sa Agusan del Sur.

Base sa mga nakaraang report, makatatanggap ng scholarship ang anim na kapatid ng yumaong basketball player na si Rene at ito ay mula sa Ateneo de Davao University.

Si Rene ay nasawi sa pagkalunod noong June 8, 2026, sa Dipaculao, Aurora habang nasa “team building” ng Ateneo Blue Eagles.

Nalunod at binawian din ng buhay si Divine Adili, isa rin sa members ng basketball team.

Balikan dito ang basketball journey nina Rene Baterbonia at Divine Adili: