GMA Logo Renz Verano
What's on TV

Renz Verano, magiging istrikto bang inampalan sa 'Tanghalan ng Kampeon 2025'?

By Maine Aquino
Published January 20, 2025 10:36 AM PHT
Updated January 21, 2025 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

11 ka persona, na-rescue matapos magkapan ang motorbanca sa Bago City | One Western Visayas
PBA: Upbeat Charles Tiu says Phoenix 'headed in right direction' despite QF exit
Becky Armstrong is strikingly beautiful at the Cannes Film Festival

Article Inside Page


Showbiz News

Renz Verano


Saad ni Renz Verano: "Napakastrikto ko raw..."

Nag-react ang inampalan ng “Tanghalan ng Kampeon 2025” na si Renz Verano sa mga nagsasabing strikto raw siya sa pagpili ng mga magiging kampeon sa singing contest ng TiktoClock.

Ang OPM Hitmaker ay ang inampalan simula season 1, season 2, at ngayong “Tanghalan ng Kampeon 2025.” Sa “Tanghalan ng Kampeon 2025,” makakasama ni Renz bilang inampalan sina Daryl Ong at Jessica Villarubin.

Kuwento niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, "Ang daming nagsasabi, napakastrikto ko raw."

Ayon pa kay Renz, lahat ng kaniyang sinasabi bilang inampalan ay base lamang sa napanood niya sa mga performance ng mga contestants.

"Ang sa akin lang naman, kung ano lang 'yung nakikita ko, na-observe ko na kailangan ng ating mga contestants, 'yun ang aking sinasabi. Straightforward."

Inamin din ng “Tanghalan ng Kampeon 2025” inampalan na may pagkakataong nahihirapan siyang pumili ng tatanghaling kampeon. Ngunit kailangan pa ring mamili ng magiging kampeon sa “Tanghalan ng Kampeon” sa TiktoClock.

"Yes, may instances na hindi ka makapili. Parehong magaling, parehong mahusay. Pero hindi naman po pupuwedeng walang mananalo. There are several instances na ganoon."

Magsisimula na ang “Tanghalan ng Kampeon 2025” sa TiktoClock! Tutok na simula January 20, 11:00 a.m. sa GMA Network.

Subaybayan ang happy time na hatid ng TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

SAMANTALA, NARITO ANG BEHIND THE SCENES NG TIKTOCLOCK PICTORIAL: