
Sa ikalawang linggo ng Return To Paradise, matinding galit ang naramdaman ni Rina (Teresa Loyzaga) matapos niyang makita si Amanda (Eula Valdes) na nakalaya na mula sa bilangguan.
Matapos makalaya sa kulungan, patuloy pa rin ang pakikibalita ni Amanda sa awtoridad tungkol sa paghahanap sa kanyang anak na si Eden (Elle Villanueva).
Isang barko naman ang nakita nina Red (Derrick Monasterio) at Eden sa dagat at sinubukan nilang lapitan ito. Sa kasamaang palad, nalunod si Eden dahil namulikat ang kanyang paa at iniligtas ni Red ang buhay nito.
Sa muling pagkikita nina Rina at Amanda, nagkaroon ng alitan ang dalawa habang nasa opisina ng rescue team, kung saan sila nakibalita tungkol sa lagay ng kanilang mga anak.
Bilang paghihiganti, tinangka naman ni Rina na sagasaan si Amanda ngunit hindi ito naging matagumpay. Dahil dito, nakulong ang una at nakasuhan ng driving under the influence of alcohol at physical injuries.
Naging malubha naman ang lagay ni Red sa isla dahil sa kanyang sugat at minabuti ni Eden na alagaan ito. Nakahanap naman si Eden ng lunas para sa sugat ni Red at naging matagumpay ang panggagamot niya sa huli.
Subaybayan ang Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga eksena sa Return To Paradise dito.
Return To Paradise: Time to face the enemy | Episode 6
Return To Paradise: Rivals played by fate| Episode 7
Return To Paradise: The victim's payback | Episode 8
Return To Paradise: A warm night and a passionate embrace | Episode 9
Return To Paradise: Red recovers from his near death experience | Episode 10
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: