
Ngayong linggo, magiging mas mainit ang inyong hapon dahil sa matitinding rebelasyon na masasaksihan sa GMA afternoon drama series na Return To Paradise.
Base na ipinalabas na teaser video ng GMA Network, mapapanood ang pagkikita nina Red (Derrick Monasterio), Eden (Elle VIllanueva) at ng kanilang mga ina na sina Amanda (Eula Valdes) at Rina (Teresa Loyzaga).
Matatandaan na mayroong hidwaan sa pagitan nina Amanda at Rina matapos ipakulong ng huli ang una dahil naakusahan ito sa pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Angelo.
Mapaninindigan kaya nina Red at Eden ang kanilang pagmamahalan kahit tutol dito ang kanilang mga magulang?
Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.