
Mainit na sinubaybayan ng Kapuso viewers ang mga matitinding eksena sa recent episode ng GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.
Napanood sa ika-57 na episode ng nasabing programa ng pagkikita nina Rina (Teresa Loyzaga) at Amanda (Eula Valdes) sa loob ng kulungan, matapos makasuhan ang una ng frustrated murder at frustrated homicide.
Sa pag-uusap ng dalawa, hindi nagpatinag si Rina sa itinatago niyang masamang balak kay Amanda.
Sa kabila ng matinding kasalanan na nagawa ni Rina, inisip pa rin nina Red (Derrick Monasterio) at Victor (Ricardo Cepeda) na pamilya pa rin nila ito kaya kaya ipinagpiyansa nila ang una para makalaya.
Bago makalaya mula sa presinto, nakatanggap si Rina ng matinding pananakit mula sa mga kakusa nito.
Sa episode na ito noong Martes (October 18), nakapagtala ang Return To Paradise ng 8.2 percent na ratings, base sa NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
PHOTO COURTESY: GMA Drama
Umani rin ng mataas na ratings ang ika-56 na episode ng naturang programa dahil nakakuha ito ng 7.1 percent na ratings.
Subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: