
Powerhouse teams of Pinoy vocalists ang magpapagalingan sa Family Feud ngayong Huwebes.
Ngayong August 7, saksihan ang musical throwback ng GMA's most iconic reality talent searches na Pinoy Pop Superstar at Metropop Star Search.
Maglalaro sa Team Pinoy Pop ang mga finest singers na nagmula sa Pinoy Pop Superstar. Magiging leader ng Team Pinoy Pop ang award-winning musical theater artist na si Aicelle Santos. Makakasama niya rito ang singer and actress na si Maricris Garcia; ang former child actor, singer, at SB19 voice coach na si Brenan Espartinez; at ang "Josh Groban of Pinoy Pop Superstar Season 2" na si Harry Santos.
Mula naman sa Team Metropop magpapakita ng husay ang alumni ng singing competition na Metropop Star Search. Ito ay ang offshoot ng original songwriting contest na Metro Manila Popular Music Festival mula sa '70s. Ito ay na-revive naman noong '90s bilang Metropop Song Festival.
Ang leader ng Team Metropop ay ang 1998 Grand Champion, licensed real estate broker, and full-time mom na si Champagne Morales, Makakasama niya sa Family Feud stage ang "Queen of Asianovela Theme Songs" na si Faith Cuneta; ang 1999 MetroPop Grand Champion and actress na si Miles Poblete; at ang singer-turned-commercial airline pilot na si Xaxa Manalo.
Saksihan ang heartwarming reunion at musical memories na hatid ng Family Feud ngayong August 7 sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.