
Sa katatapos lang na Bench fashion show kagabi (November 18), nagkaroonng reunion ang dalawa sa pinaka malaking bituin ng Philippine showbiz, sina Maine Mendoza at Richard Gutierrez.
HIndi lang ang pag-rampa ng dalawa sa cat walk ang nakapukaw ng pansin at pinag-usapan ng netizens kungdi pati ang photo ng dalawa noong una silang nagkakilala sa set ng 'Full House' ang show ni Richard sa GMA noong 2009. Hindi pa artista noon si Maine.
LOOK: Richard Gutierrez, nakilala si Maine Mendoza six years ago
Ayon kay GMA showzbiz reporter, Nelson Canlas, "After almost a decade may picture na uli Maine Mendoza na kasama si Richard Gutierrez, pero this time hindi bilang isang fan, kungdi isang star na din. "
Bumuhos naman ang positive comments sa post na ito ni Nelson.
Pero ang iba, nag-comment na sana yung isang Richard (Richard Faulkerson Jr. a.k.a. Alden Richards) ang kasama ni Maine sa pagrampa sa nasabing event.