GMA Logo Elle Villanueva Derrick Monasterio Makiling
What's on TV

Revenge drama na 'Makiling,' panalo sa TV ratings!

By Jimboy Napoles
Published January 30, 2024 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva Derrick Monasterio Makiling


Patuloy na tinututukan ang bagong pambansang revenge drama sa hapon na 'Makiling.'

Number one pa rin ang pambansang revenge drama ng mga Pilipino -- ang Makiling!

Patunay dito ang 7.9 TV ratings na nakuha ng serye nitong Lunes, January 29, base sa inilabas na preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Sa ngayon, ito pa ang pinakamataas na TV ratings na naabot ng Makiling simula nang umere ito noong January 8 sa GMA Afternoon Prime.

Pero matatandaan na nakakuha rin ng mataas na ratings, at nag-trending pa online ang pilot episode ng naturang serye.

Ang Makiling ay pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio, kasama sina Thea Tolentino, Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Kabilang sa cast ang mga batikan at award-winning actors na sina Mon Confiado, Andrea Del Rosario, Cris Villanueva, Richard Quan, Bernadette Allison, Lui Manansanala, at Lotlot De Leon.

Isa sa mga dapat abangan ngayong linggo sa Makiling ay ang mas pinatinding pagpapahirap ng Crazy 5 sa karakter ni Elle na si Amira.

Manggigigil kasi ang Crazy 5 sa gagawing pagsuplong sa kanila ni Amira tungkol sa paggamit nila ng iligal na droga sa loob pa mismo ng kanilang paaralan.

Dahil dito, ipapa-kidnap ng Crazy 5 si Amira para muling saktan at pahirapan kabilang na ang pagpapalapa sa aso at pagkukulong sa kanya sa ataul kasama ang mga malalaking cobra.

Intense kung intense, gigil kung gigil! Abangan mga susunod na episode ng pambansang revenge drama ng mga Pilipino - ang Makiling.

Patuloy na subaybayan ang Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.