GMA Logo Rex Baculfo
What's on TV

Rex Baculfo, inaming unexpected ang pagkapanalo sa 'The Clash'

By Kristian Eric Javier
Published June 8, 2023 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI ready to facilitate Zaldy Co return, seeks DOJ guidance for next actions
Popular chocolate hazelnut spread introduces new flavor after over 60 years
CALABARZON tops 2026 NSPC followed by NCR, Region II

Article Inside Page


Showbiz News

Rex Baculfo


Hindi man inaasahan, masaya si Rex Baculfo sa pagkapanalo niya sa season 5 ng 'The Clash.'

Sinabi ni The Clash season 5 winner Rex Baculfo na hindi raw niya in-expect ang pagkapanalo niya sa naturang kompetisyon. Sa katunayan, nabigla pa raw ito nang tawagin ang kaniyang pangalan bilang kampeon.

“Nu'ng sinabi po ng Clash Masters na ako 'yong nanalo talagang lahat na ng emotions pumunta na sa dibdib ko, sa ulo ko, kaya napaluhod na po ako [at] umiyak na lang ako,” sabi ni Rex sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Pagpapatuloy nito, “Kasi sabi ko 'ahh hindi ko siya in-expect, hindi ko siya fini-feel na mangyayari,' pero binigay, pero nangyayari siya. So talagang parang ako rin po nabigla, parang may malaking elepante na umupo din sa dibdib ko.”

“Parang kulang ako sa tiwala sa sarili parang ganu'n nung time na 'yon kaya talagang iniyak ko na lang talaga po,” dagdag pa nito.

Ikinuwento rin ni Rex kung ano ang naramdaman niya habang inaantay ang desisyon ng mga judge.

“Nu'ng nag aantay kami ng decision ng judges, nakatayo kami ni Arabelle doon sa stage pagkatapos namin magdasal tumitingin lang po ako sa environment, tinitingnan ko lang 'yong mga lights, mga tao parang tine-take in ko lang lahat ng nangyayari,” kwento nito.

Pagpapatuloy ni Rex, "Tapos parang naiisip ko na parang may nagsasalita sa utak ko na parang hindi yata ako ah, parang ganu'n po. Parang hindi yata ako mananalo ah, parang hindi yata ako. Parang hindi yata para sa akin.”

Sinabi rin ni Rex na nagdasal na raw siya ng mga panahon na iyon habang inaantay ang desisyon ng mga judges.

“Sinabi ko po 'Lord, binigay ko lahat and lahat ng ginagawa ko para sa'yo and 'yong performance ko na 'yon hindi 'yon para sa akin kung hindi for your glory at para sa'yo.' So parang binigay ko na talaga siya tapos sabi ko kung anong mangyari masaya ako kasi nabigay ko 'yong pinaka-best ko sa The Clash,” ani nito.

Nang tanungin naman siya tungkol sa number one competitor niya, ang sagot ni Rex, “No'ng wala pa kami sa finals po ang pinaka nasa isip ko talaga na number one na competition ko ay si Liana.”

“Pero no'ng nandoon na kami sa finals talagang nakita ko na ang magiging matinding kalaban ko if ever man ako makapasok sa Top 2. Ang naiisip ko po talaga is si Arabelle,” pagpapatuloy nito.

SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI REX SA GALLERY NA ITO: