GMA Logo the clash 2023 final four
What's on TV

'The Clash 2023' grand finals, mapapanood ngayong May 28

By Jansen Ramos
Published May 25, 2023 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

the clash 2023 final four


Alamin kung sino kina Arabelle Dela Cruz, Liana Castillo, Mariel Reyes, at Rex Baculfo ang tatanghaling 'The Clash 2023' winner ngayong Linggo, May 28, 7:50 p.m. sa GMA.

Matapos ang halos 20 linggo, papangalanan na ang ikalimang The Clash winner ngayong Linggo, May 28.

Apat ang maglalaban-laban para sa titulo na sina Arabelle dela Cruz, Liana Castillo, Mariel Reyes, at Rex Baculfo.

Isang engrandeng finale ang mapapanood dahil babalik sa The Clash stage ang past winners ng kompetisyon na sina Jeremiah Tiangco, Jessica Villarubin, at Mariane Osabel na maghahatid ng isang world-class performance.

May special appearance din ang The Clash graduates na sina Garrett Bolden, Thea Astley, at Vilmark Viray, at ang Pinoy pride at international idol na si Jessica Sanchez.

Ang tatanghaling ikalimang The Clash grand champion ay makapag-uuwi ng Php 1,000,000 in cash, exclusive contract under GMA, at brand new house and lot worth three million pesos mula sa Camella.

Sumatotal, aabot ng four million ang halaga ang prize package ng The Clash 2023 para sa winner nito.

Mapapanood ang grand finale ng The Clash 2023 ngayong Linggo, May 28, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7.

Maaari rin itong mapanood sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page ng GMA Network kasabay ng pag-ere nito sa TV.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

KILALANIN ANG FINAL FOUR CONTESTANTS NG THE CLASH 2023 SA GALLERY NA ITO: