
Proud na ibinahagi ng dating GMA News anchor at TV host na si Rhea Santos na nagtapos na siya sa kursong Broadcast and Online Journalism sa Canada.
Ito ay two-year diploma program na kinuha ng journalist sa British Columbia Institute of Technology.
Sa kanyang Instagram account ngayong July 29, ibinahagi ni Rhea ang kanyang mga larawan kung saan suot niya ang kanyang toga.
Ayon sa kanyang caption, naging inspirasyon niya ang kanyang #dguzboys na binubuo ng kanyang asawang si Carlo De Guzman at mga anak na sina Uno and Yuan.
"Hey #dguzboys, we did it! You've driven me to have courage, inspired me to go forward and have always loved me unconditionally."
Dine-dedicate daw ni Rhea ang kanyang latest achievement sa kanyang mga mahal sa buhay sa Pilipinas at sa California, USA.
"This is also for loved ones in the Philippines and in California who would have wanted to share this milestone with me.
"Knowing that you are all in good health is the best gift you can give as my family positively yearns for the day we can all be together again.
Pagtatapos ni Rhea, "To my fellow graduates of 2021, to fellow #Filipino international student graduates, we rocked it amidst the global #pandemic. Celebrating with you...
"Officially a #BCITGrad2021 ️ #graduate"
Lumipad patungong Canada si Rhea kasama ang kanyang pamilya noong August 2019.
Ninenteen years nagtrabaho si Rhea sa GMA bilang media practitioner at ipinagpatuloy niya ang kanyang passion sa broadcasting nang maging news anchor ng Omni News: Filipino Edition, isang daily Filipino newscast sa ilalim ng Omni Television channel.
Tingnang ang bagong buhay ni Rhea sa Canada dito: