
#FitnessGoals
Mukhang napapadalas ang workout bonding ng mga Sinungaling Mong Puso stars na sina Rhian Ramos at Gee Canlas.
Kamakailan lang, magkasama ang dalawang sumabak sa isang 5K run at nakapag-crossfit pa sila pagkatapos.
"5K run and crossfit! Killin it! We must have another day like this @geecanlas bawi na tayo," sulat ni Rhian sa caption.
Nag-post din si Gee ng parehong video sa sarili niyang Instagram account.
"Today was hardcore workout day!! Ran 5k then Bootcamp training at @cfmnl after. High five @whianwamos we survived! Our legs are jelly but dinner will taste soooo good tonight," aniya.
Nasubukan na rin nina Rhian at Gee na magkasamang mag-aerial yoga noon.
MORE ON 'SINUNGALING MONG PUSO':
Rhian Ramos at Gee Canlas, buwis-buhay sa paghahanda para sa 'Sinungaling Mong Puso'
Rhian Ramos places 2nd at the 2016 Philippine Motorsports Championships