
Matapos ang mahigit isang dekada, muling nagbabalik ang iconic tandem nina Rhian Ramos at Glaiza De Castro, o mas kilala bilang “Rastro,” upang maghatid ng tamis at kilig sa pelikulang I Fell, It's Fine.
Unang minahal ng publiko ang chemistry ng dalawa noong 2015 sa hit GMA primetime series na The Rich Man's Daughter.
Bagamat kasalukuyan silang napapanood na magkalaban bilang sina Pirena at Mitena sa superseryeng Encantadia Chronicles: Sang'gre, pag-ibig naman ang tema ng kanilang muling pagtatambal sa pelikula sa ilalim ng direksyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo.
Sa isang eksklusibong panayam sa 24 Oras, hindi naitago ni Rhian ang kaniyang tuwa sa proyektong ito.
“Ito na nga ang itinakda. Magkakatotoo na propesiya; at nagkaroon na kami ng movie together. 'Rastro' is so back,” biro ng aktres.
Ginanap ang premiere night ng pelikula noong March 25, kung saan bumuhos ang suporta mula sa kanilang mga kapwa Sparkle stars at malalapit na kaibigan.
Kabilang sa mga namataan sa red carpet ang kanilang mga kasamahan mula sa Stars on the Floor at Sang'gre na sina Michelle Dee, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Dasuri Choi, at Rodjun Cruz.
Ang I Fell, It's Fine ay isang kuwento ng pag-ibig na nakatuon sa karanasan ng dalawang babae sa loob ng LGBTQIA+ community. Inaasahang muling mapupukaw ng dalawa ang puso ng mga manonood sa pamamagitan ng kanilang subok na talas sa pag-arte at hindi matatawarang chemistry.
Abangan sina Glaiza at Rhian bilang Sang'gre Pirena at Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related Gallery: 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' casts behind the scenes photos