
Nagngangalit at puno ng paghihiganti ang karakter ni Mitena sa teaser na inilabas ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Martes, May 27.
Si Mitena ang Reyna ng Nyebe ng Mine-a-ve. Siya ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
Nagbigay ng excitement sa netizens ang teaser ni Mitena kung saan ipinakita ang ilan sa makapanindig balahibo nitong action scenes, maging ang nakamamanghang nagyeyelong kaharian.
Noong Biyernes (May 23), naglabas din ng teaser ang Encantadia Chronicles: Sang'gre kung saan ipinakilala na si Mitena at ang dahilan ng kanyang paghihiganti.
Ayon kay Rhian Ramos, namangha siya nang mabasa niya ang kuwento ni Mitena.
"By the time na nabasa ko na 'yung script at nalaman ko 'yung kuwento ni Mitena mismo, sabi ko, 'Wow! Sobrang ganda naman pala ng kuwento na 'to--ang lalim, ang emosyunal. Talagang pinag-isipan 'yung backstory. Para sa akin, naintindihan ko siya agad. I was even more excited to play the role," sabi ni Rhian.
Makakasama ni Rhian sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Magbabalik din sa Sang'gre ang Encantadia 2016 actors na sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: