GMA Logo Rhian Ramos
Celebrity Life

Rhian Ramos, hirap sa pagtulog noong simula ng ECQ

By Marah Ruiz
Published May 21, 2020 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Nahihirapan matulog at inaabutan na ng pagsikat ng araw si Rhian Ramos noong simla ng enhanced community quarantine.

Nakapag-adjust at nasanay na daw si Kapuso actress Rhian Ramos sa dalawang buwan ng enhanced community quaratine.

Pero aminado siyang nahihirapan siyang matulong noong mga unang araw nito.

"Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna 'yung sunrise bago ako matulog," kuwento ni Rhian sa ilang piling miyembro ng media, kabilang na ang GMANetwork.com, si Rhian sa pamamagitan ng teleconferencing app na Zoom.

Hindi naman daw niya sinayang ang oras na inilagi niya sa bahay.

Rhian Ramos nami-miss ang malalking workout classes

"Actually, for the first week sobrang excited ko. Natutuwa ako [kasi] ang dami kong pinanood na shows, nag-download ako ng masterclass, ang dami kong natutunan na bagong skills. Sabi ko, now is my chance. Gagawin ko lahat ng sinabi kong wala akong time gawin," bahagi niya.

"Tapos noong nagawa ko na lahat, ang dami ko nang time, I worked on trying to sleep or creating a schedule para may structure 'yung araw ko," dagdag niya.

Nakatulong daw sa kanya ang pagkakaroon ng routine at paggawa ng ilang gawaing-bahay.

"I try to wake up at 8:00 am every morning and then go to sleep at mga 11:00 pm every night. At saka gumawa na 'ko ng schedule of chores kasi siyempre ako lang naman gagawa noon. Sa umaga nagwawalis ako. I make the bed. I cook myself something. Laundry, tapos once a week nagpapalit ako ng sheets. Nilagyan ko lang ng structure 'yung buhay ko para alam ko kung ano yung mga kailangan kong gawin," aniya.

Kasalukuyang napapanood si Rhian sa Stairway to Heaven, kung saan katambal niya sa Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime.