GMA Logo rhian ramos
What's Hot

Rhian Ramos, honored na gumanap na madre sa 19th anniversary ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published July 22, 2021 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

rhian ramos


Alamin kung ano'ng masasabi ni Rhian Ramos sa kanyang role bilang isang madre sa 19th-anniversary episode ng 'Wish Ko Lang' na “Kumbento.”

Isa na namang kaabang-abang na 19th-anniversary episode ang handog ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, July 23, na pagbibidahan ng Kapuso star na si Rhian Ramos.

“Kumbento” ang pamagat ng 4th offering ng bagong 'Wish Ko Lang' at isa itong horror-drama tungkol sa buhay ng isang madreng nagngangalang Sister Grace.

rhian ramos and althea ablan

Sina Rhian Ramos at Althea Ablan sa “Kumbento” episode / Source: Wish Ko Lang

Si Rhian Ramos ang gaganap bilang si Sister Grace, isang madreng masusubok ang pananampalataya matapos masawi ng kanyang kapatid mula sa isang malagim na krimen.

Kasama rin ni Rhian sa “Kumbento” episode sina Althea Ablan, Ayeesha Cervantes at Andrew Gan.

May espesyal na theme song din ang “Kumbento” episode na pinamagatang “Isang Araw Pa,” na inawit ng 'The Clash' Season 2 first runner-up na si Jeremiah Tiangco.

Sina Ayeesha Cervantes at Rhian Ramos sa 19th-anniversary episode ng Wish Ko Lang/ Source: Wish Ko Lang

ayeesha cervantes and  rhian ramos

Sina Ayeesha Cervantes at Rhian Ramos sa 19th-anniversary episode ng Wish Ko Lang/ Source: Wish Ko Lang

Sa isang panayam, sinabi ni Rhian na masaya siyang siya ang napiling gumanap bilang Sister Grace.

“I really enjoyed and I'm honored to play the role of Sister Grace,” ani Rhian. “Ang ganda po kasi nung pagkasulat ng script, which always makes my job easier. Kasi naging klaro talaga sa'kin 'yung emotions at naramdaman ko talaga 'yung mga emotions na pinagdaanan niya dun sa kuwento.”

rhian ramos and nuns

Isa sa mga kaabang-abang na eksena sa “Kumbento” episode / Source: Wish Ko Lang

Ibinahagi rin ni Rhian ang natutunan niyang leksyon mula sa life story ni Sister Grace.

“'Yung natutunan ko dito sa kuwento na 'to is that mahirap naman talaga ang buhay.

“Minsan may mga pagdadaanan tayo na sobrang hirap or sobrang sakit na kaya niyang baguhin 'yung mga bagay na pinaniniwalaan natin.

“But, 'yun talaga 'yung moments kung kailan mas kailangan nating maging matatag at malakas.

“Hindi kasi natin mako-control lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay natin.

“Pero 'yung mako-control natin (ay) 'yung magiging response natin sa mga pangyayari na ganun.

“And ang kailangan lang nating maalala is that everything happens for a reason. Meron tayong Diyos na just wants the best for us.”

Sa nasabing panayam, binati rin ni Rhian ang mga bumubuo ng bagong 'Wish Ko Lang' sa kanilang 19th anniversary at nagpasalamat na napasama siya rito.

“Happy, happy 19th anniversary sa lahat ng bumubuo sa Wish Ko Lang at sa lahat ng parte ng Wish Ko Lang team.

“Maraming salamat po sa inyo for having me as a part of your anniversary episode.”

Alamin kung ano bang mga kababalaghan ang mangyayari kay Sister Grace matapos pumanaw ang kanyang kapatid at kung paano siya matutulungan ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales upang makapagsimula muli.

Huwag palalampasin ang 19th-anniversary episode ng bagong 'Wish Ko Lang' na “Kumbento” ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: