
Spotted ang magkakaibigan na sina Rhian Ramos, Max Collins, at Janina Manipol sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2022 noong Sabado (April 30), upang suportahan ang kanilang kaibigan at kandidata na si Michelle Dee.
Gaya ng mga beauty queens, hindi rin nagpatalo ang tatlo sa kanilang mga outfits. Black dress with feather ang isinuot ni Janina, sequin gown naman kay Max, habang all-black outfit naman ang suot ni Rhian.
Source: magicliwanag/whianwamos (Instagram)
Sa isang Instagram story ni Janina, ibinahagi niya ang video kung saan makikitang kabado silang tatlo habang inaanunsyo na ang mag-uuwi ng korona.
"Screaming our hearts out last night for @michelledee! TD loves you so much Deedee! @maxcollinsofficial @whianwamos," saad ni Janina.
Source: janinamanipol/whianwamos (Instagram)
Tinanghal naman bilang Miss Universe Philippines Tourism si Michelle sa nasabing beauty pageant competition. Si Miss Pasay Celeste Cortesi ang naguwi ng Miss Universe Philippines crown.
Samantala, silipin ang bff goals na mga larawan nina Rhian, Max, Janina, at Michelle sa gallery na ito.