What's on TV

Rhian Ramos, ready na sa bagong love life?

By Cherry Sun
Published March 23, 2021 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

American Music Awards 2026: Katseye gets their first-ever AMA with New Artist of the Year win
Crema de Fruta recipe for a sweet summer reprieve
Minor injured in reported street attack in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


“Kung nahirapan ka sa isang break-up, dapat ika-proud mo 'yun.” Ikinuwento ni Rhian Ramos ang lagay ng kanyang puso sa March 21 episode ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Nag-open up si Rhian Ramos tungkol sa kanyang love life nang bumisita sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, March 21.

Rhian Ramos

Si Rhian ang sumalang sa segment na 'May Pa-PressCon' kung saan hindi siya nakaiwas sa mga tanong nina Boobay at Tekla tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig.

Maalalang noong September 2020 lang nang aminin ng aktres na nauwi sa hiwalayan ang kanyang relasyon kay Amit Borsok.

Si Rhian na mismo ang nagsabi na hindi naging madali para sa kanya na dalhin at maka-move on mula sa sakit na idinulot sa kanya ng breakup.

Nasaktan man siya, hindi niya ikinahihiya ito dahil alam niya na ipinaglaban din niya ang kanyang nararamdaman kahit papaano.

Pag-amin niya, “First of all, lahat naman ng break-up, talagang mahirap. At saka dapat, kung nahirapan ka sa isang break-up, dapat ika-proud mo 'yun kasi ibig-sabihin, binigay mo talaga. Nagmahal ka nang totoo. With that being said, oo, naka-move on na.”

Marami raw natutunan si Rhian sa kanyang recent heartbreak at kabilang doon ang kanyang pagmamahal sa sarili.

“Well I think lahat ng life stage naman, may matututunan ka doon pero it's usually not parang may natutunan ka about someone else."

Nagdulot man ang breakup ng sakit sa kalooban, nag-iwan naman ito ng mahahalagang lessons na hindi malilimutan ni Rhian. Mas alam na rin niya kung ano ang gusto at hindi niya gusto sa isang tao.

"Mas marami kang natututunan sa sarili mo. Parang mas nagiging klaro kung ano 'yung gusto mo sa buhay, how you want to be treated, 'yung ayaw mo, ganun.”

Nananatiling “single but not available” daw ngayon ang aktres dahil hindi siya talaga naghahanap ng bagong boyfriend.

Pero hindi naman nangangahulugan na isinasarado na niya ang kanyang puso at isipan sa posibilidad na magkaroon uli ng love life. Kung may nakatakdang makasama siya in the future, buong puso niya itong tatanggapin.

“Oo pero hindi. Puwede bang ganun? Parang hindi ko siya dream, hindi ko siya goal pero kung may dumating tapos kung parang feeling ko galing naman siya kay Lord, okey lang.

Pagbibiro pa ni Rhian, “Dream ko talaga maging matandang dalaga. Gusto ko maging tita, ganun.”

Ano kaya ang hanap niya sa kanyang ideal guy? Alamin sa video sa itaas.

Matapos ma-hot seat, nakipaglaro ang Kapuso actress sa fun-tastic duo at The Mema Squad sa charades game na 'Galaw-galaw.' Binubuo nina Rhian, Boobay at Tekla ang Team Ganda, habang Team Mema naman sina Miss Universe Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

Sa parehong episode, ipinakilala si Alexandra bilang pinakabagong member ng The Mema Squad. Pero bago 'yun, siya muna ang biniktima nina Boobay at Tekla sa segment ng 'Na-TBATS Ka' at kinumbinsing magiging co-host nila. Ang beauty queen din ang naglaro sa segment na 'Tatakpan o Titikman.'

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapus Mo, Jessica Soho.

Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: