
Tapos na ang taping ni Rhian Ramos para sa hit fantaserye na Encantadia Chronicles Sang'gre, kung saan napapanood siya bilang Mitena.
Sa Facebook post noong April 8, ipinakita ni Rhian ang maikling video na kuha mula sa huling araw ng kanyang taping sa serye. Habang naglalakad ay nakangiti niyang sinabi, "Last day."
"Last taping day for Mitey-tey," sulat ni Rhian.
Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang Sang'gre family, "Avisala eshma, Sang'gre fam."
Kasalukuyang mayroong mahigit 1.7 million views at 39,000 likes ang post na ito ni Rhian.
Sa isa namang Facebook post, ipinakita ni Rhian ang behind-the-scenes sa Sang'gre kung saan suot niya ang bagong damit pandigma ni Mitena.
Patuloy na subaybayan si Rhian Ramos bilang Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Related content: Ahtisa Manalo, ipinakita ang mga larawan nina Haliya at Gargan