GMA Logo Rhian Ramos
What's on TV

Rhian Ramos sa role na gagampanan sa 'Royal Blood': 'Hindi ko pa nagagawa'

By Aimee Anoc
Published April 18, 2023 2:56 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


"I think my character is very out of the ordinary and hindi ko pa nagagawa, which is very exciting for me." - Rhian Ramos

Balik-primetime si Rhian Ramos para sa murder mystery drama na Royal Blood.

Huling napanood sa isang serye ang aktres bilang Mary Jane o "MJ" sa GMA Afternoon series na Artikulo 247 kung saan nakasama niya sina Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Ngayon, abala si Rhian para sa bago niyang role sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Kuwento ni Rhian sa GMANetwork.com, "very out of the ordinary" at hindi pa niya nagagawa ang karakter na gagampanan sa Royal Blood.

"I was very curious about it. Noong una wala rin siyang gaanong iniri-reveal kasi nga ang gagawin natin ngayon is a mystery. Talagang we have to be okay with some things being secret. I am very excited to find out about the twists and turns in the show and I think my character is very out of the ordinary and hindi ko pa nagagawa, which is very exciting for me," sabi ni Rhian.

Sa Royal Blood, makikilala si Rhian bilang Margaret, ang pangalawang anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III).

"My character's name here is Margaret. Isa siya sa mga anak ni Gustavo Royales, na posibleng siya ang magmana ng negosyo nila. Iyon 'yung gusto naming lahat magkapatid, so isa ako roon and I'm sure gagawin ni Margaret ang lahat ng kaya niya to get the spot," ang masasabi ni Rhia sa kanyang karakter.

Dagdag niya, "I'm very excited about my character here. Actually all of the characters because para bang napansin ko na walang ligtas dito. Walang white character, walang black character, it's just gray. Everyone has their own reasons for doing what they do and lahat talaga paghihinalaan dito."

Ito ang pangatlong pagkakataon na makakatrabaho ni Rhian sa isang serye ang Kapuso Primetime King. Una nang nakasama ng aktres si Dingdong sa GMA series na Stairway to Heaven at Genesis.

Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: