
Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso actress na si Rhian Ramos sa kaniyang mga upcoming projects dahil hinda lang isa, kundi dalawa ang serye kabibilangan niya. Bukod pa riyan, excited na rin ang aktres para sa reunion project nila ni Tom Rodriguez.
Sa interview niya kay Lhar Santiago para sa “Chika Minute” ng 24 Oras, sinabi ni Rhian na pinaghahandaan na niya ang physical demands ng biggest fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Gagampanan niya ang karakter na si Mitena, ang Ice Queen na kapatid ni Cassiopea, na muling gagampanan ni Solenn Heussaff.
Ani Rhian, “It's a very very big project. Kulang ang isang studio para sa amin. May iba't-ibang mga mundo na bini-build din.”
Ayon pa sa aktres, magsisimula ang taping niya para sa serye “probably by the end of this month or baka early next month.
“But sa ngayon, 'yung mga focus namin is pine-perfect namin 'yung magiging costume, 'yung magiging buong look ni Mitena."
BALIKAN ANG PINAKA AESTHETIC PHOTOS NI RHIAN SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kakaibang paghahanda rin ang ginagawa ni Rhian para naman sa role niya sa upcoming historical drama series na Pulang Araw. Bukod kasi sa physical demands ng kaniyang role, kailangan rin niya aralin ang language na kailangan para sa drama.
“Ibang-iba talaga. 'Pag nandun ako sa Pulang Araw, paulit-ulit ko talaga nire-rehearse 'yung mga lines ko para makuha ko 'yung tono ng tama,” sabi niya.
Sinabi rin niyang may iba't-ibang skills pa na nire-require mula sa kaniya ang production, “I need to be able to dance, I need to be able to sing, aside from dun sa acting.”
Excited na rin si Rhian para sa upcoming movie niya na Huwag Mo Akong Iwan dahil bukod sa reunion project niya ito kay Tom, makakatrabaho rin niyang muli si Direk Joel Lamangan.
“I'm very excited to be working with Tom again, I haven't seen him in a while, but I'm very comfortable with him,” sabi niya.
“We have a very good working relationship so I'm glad he's here and I'm glad he's back,” pagpapatuloy ni Rhian.
Panoorin ang buong interview ni Rhian dito: